Hugot Lang

Okay… I’m not so much into dwelling into the past but this is bothering me, for which I don’t know why.

Una kitang nakilala ng opisyal kang ipakilala sa buong Kongregasyon bilang isa sa mga pinuno ng simbahan – that’s about seven years ago.  Mataas ang tingin ko sa mga pinuno kaya nandun ang respeto – kaya ganun na lang ang kataas ang tingin ko sa’yo.  Matapos nun, wala na.

Lumipas ang ilang buwan at taon, napapadalas ang ating pagkikita.  Di malayong mangyari dahil magkasama tayo sa iisang kongregasyon.  Nagkakasama rin tayo sa mga gawain ng simbahan.  Nakakachikahan pero hanggang dun lang.  Bagamat madalas kitang mahuling nakatingin, di ko ito binibigyan ng pansin.. iniisip ko, napalingon ka lang.  Nandun pa rin ang respeto kaya di ko binigyan ng kahulugan.

Habang tumatagal nag-iiba ang aura mo.  Sa hindi ko pa ring mapagtantong kadahilanan, alam ko kapag nasa paligid ka.  Di ako mapakali, tila ba laging may nakamasid.  Hindi ko maiwasang hanapin ang nagdudulot ng matindi kong pagkabalisa.  At sa tuwing masisilayan kita, nawawala na ito.  Weird, right?

May mga pagkakataong nahuhuli kitang nakatitig at nakikipagtitigan.  Hindi ko malaman ang ikikilos ko.  Kakaway ba ako bilang pagbati o iiwas ng tingin o di ka na lang pansinin?  Nandyang dadaan ka sa harap ko at yun na yun.

Hindi kita mabiro ng tulad ng pakikipagbiruan ko sa mga malalapit kong kaibigan.  Yung tipong nakikipagharutan.  Isang beses na tatapikin sana kita, di ko tinuloy kasi iba ang pakiramdam ko… na para bang me malisya ito para sa’yo.  Gayun pa man, ipinagwalang bahala ko ito.

Ngayon ko napagtanto, me ibig sabihin ba ito?  Me malisya nga ba o ako lang ang nag-iisip ng ganito?  Ginagawa mo ba ito sa iba?

Dati, marahil dahil sa bale wala sa akin ito, pag nakikita kita o nahuhuling nakakatitig, nagagawa kong biruin ang sarili ko na “lakas talaga ng tama sa akin ng lalaking ‘to”… Ngayon hindi na, kasi para sa akin, me malisya na rin.

Ngayon, ako ang di maiwasang tumitig sayo… hinuhuli kung titingin ka ba o hindi.  Hinuhuli ang tingin mo, at maghihintay na batiin mo ako, dadaan sa harap ko, o wala lang.

Kamakailan lamang…. inanunsyo mo ang iyong nalalapit na paglisan.  Ipapadala ka sa ibang destino para sa mas mataas na posisyon.  Di ko alam kung bakit nabalot ako ng matinding kalungkutan.  Masaya ako para sa iyong “promotion” ngunit malungkot sa iyong paglisan.  Bakit?  Di ko naman masasabing malapit tayo, pero ang lungkot ko.  Ilang kaibigan na ang dumating at lumisan ngunit di ako nakaramdam ng matinding lungkot.

Nilapitan kita upang i-congratulate para sa promotion mo, inabot ko ang aking kamay bilang pagbati, sa halip niyakap mo ako.  At sa aking palagay, ito na ang huli nating pagkikita.

Hindi ko na matatanong kung may kahulugan ba ang iyong pagtitig, hindi ko na matatanong kung bakit palagi kitang nahuhuling nakatingin.  Kung kelan pa naman desidido na akong magtanong, wala ng pagkakataon.  Kaya ba ako malungkot?

Advertisements

15 thoughts on “Hugot Lang

  1. Hahaha! I’ve skimmed through you blog, and this particular post caught my attention. Nakakatuwa ang kwento mo! haha Gora lang po, pwede naman magtanong wala namang mali dun..try to stay neutral lang at wag mag #assume. HAHAHAHA good luck sa next chapter! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s