Kuyugin!

Sa mga di pa nakakaalam, naaadik na naman ako sa chatting.  At sa totoo lang, andami ng chat apps akong na-download.  Di ko naman lahat sinasalihan or di ako active.  Tinitingnan at binabasa ko lang ang mga activities at profile ng mga members.

Like any other chatsites, di ka sigurado kung trolls (mga nang-aasar lang) or real people ang mga kasali dun, unless maglakas loob ka na batiin sila ng “hi”.

Of course, there’s always another person on the other end.. but you’ll never know.  It might be just an automatic response.

Meron akong nabasang profile ng isang Member sa chat app called “Skout”.  I can’t name him.  Pero kung ibabase ko ang aking impression sa picture nya, gwapo sya.  Syempre, best foot forward noh.  Di lang sya gwapo, yummy pa ang abs.  And he admitted, nung maglakas loob akong batiin sya, that it took hard work para ma-achieve ang chiseled abs na yun.  Yummy talaga!

Pero meron akong di nagustuhan, ayaw daw nya makipag-usap sa mga Pinay.  The Hell?! I don’t care how handsome you are but you cant brush people off because of their nationality.  Di ako nakatiis, kaya naman binati ko ulit sya.  Sabi ko ang harsh naman ng profile mo, don’t you think?

He said, he doesn’t care.  He’s just making a point.  Hindi naman ako nagalit sa kanya, pero gusto ko rin maintindihan nya ang point ko.  Pinaliwanag at pinaintindi ko sa kanya, na kung puro shirtless profile pics ang ipo-post nya, di nga malayong kuyugin sya ng mga babae from all over the world – but he named a particular country “Philippines”.

I asked “what’s wrong with Filipinos?”.  Di naman daw sya mapili sa kausap pero karamihan daw kasi sa atin, lalo na mga babae, na kakakilala pa lang, gusto na kaagad makipagkita.  Di nga raw nya masyadong gusto ang mga Pinoy nyang kapitbahay tapos papupuntahin pa sya sa ‘Pinas.  Di daw sya passport ng babae para makapunta ng America.  Lalaking mareklamo… talaga naman!

In a way, nagulat syang malaman na Pinoy ako.  Maayos daw kasi ang English ko at naipaunawa ko naman sa kanya kahit papano ang nais kong iparating… “wag mo i-display ang katawan mo kung ayaw mong makuyog ka”.

Pinalitan na nya ang profile picture nya at inayos na rin nya ang profile info nya… di na racist! hahahaha!  Nung tanungin ko kung ano ang dahilan ng pagbabago, sabi lang nya, it was too harsh.  Ang sabi ko lang “did they bash you?”  di ako nakakuha ng sagot… alam ko na kung bakit. LOL!

Kaya kung manglalait kayo ng Pinoy, siguraduhin nyo lang kaya nyong ihandle ang pagkuyog sa inyo… Prepare to be cyberbullied.

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Kuyugin!

  1. Homaygad. Ako ito. Charot. May skout din ako pero never ko pa nagamit kahit once. Tinitignan ko lang yung profile. Hahaha. Ipagpatuloy ang pagtatanggol sa lahing kayumanggi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s