My love for chocolates

Hindi ako mahilig sa sweets (parang makatotohanan.. hahaha).  Sa katunayan, di ako mahilig mag-desserts.  Yung iba kasi sa buffet, yun agad ang nilalantakan.  Hindi ko naman sinasabing di ako kumakain ng sweets, di lang talaga ako mahilig.

Kaya mga friends ko, tiba-tiba sa akin, kasi kung hatian ang labanan, kanila na ang parte ko.  Mga kakanin, sa kanila na.  Yun nga lang, pagdating sa chocolates, di ako papahuli.  Yun lang yata ang nagustuhan ko.. kahit nung bata pa ako.

Kabilang ako dun sa family ng OFW.  Matagal ng nasa abroad ang tatay ko kaya pag umuuwi sya, laging me chocolates.  Yun din siguro ang dahilan ng pagkahilig ko sa chocolate, dahil naalala ko ang aking tatay.

Kahit sa mga flavors, cakes or ice creams, chocolate pa rin ang una kong pipiliin.  Papiliin man ako sa brownies or sapin-sapin, brownies ang kukunin ko.  Papatusin ko na rin yung mga chocolate-coated, maliban kung raisins, dates or anything fruity.  Chocolate fondue, okay lang.. basta cheese, strawberry or pineapple.  Kaya rin siguro di na ako pumayat.  Hahaha!

Sa regalo, di ko naman sinasabing di ako appreciative sa mga nagbigay, pero chocolate lang, masaya na ako… hahaha! babaw!

Mga paborito kong chocolates:

  • Galaxy milk chocolate, rice crispies or hazelnut pati na yung flutes
  • Cadbury Minstrels or Dairy Milk
  • Lindt (first discovered in Duty Free, upon arrival back to ‘Pinas – 1997)
  • M&Ms peanuts and minis
  • Hershey’s chocolates
  • Godiva (mahal nga lang)
  • Lion bar
  • KitKat
  • Nips
  • Goya chocolates
  • Ferrero Rocher
  • Guylian (mahal nga lang)
  • Quality street
  • Yung mga chocolate-coated almonds or cashews
  • Twix
  • Tofi Luk (murang version ng twix)
  • Toblerone
  • Pati na yung mga homemade chocolates na molded into hearts etc.  yung tipong kalahating kilo ang weight.
  • Anything Belgian and Swiss chocolates.
  • etc. etc. etc.

Di naman masyadong halatang mahilig sa chocolates.. hahahah!

Advertisements

12 thoughts on “My love for chocolates

  1. Paborito ko din ang Twix at Tofi Luk! :))) Need to try those other chocolates… Di kasi talaga ako mahilig sa matamis… pero I love chocolate…ayoko ng plain milk chocolate lang…

    • hahaha! gawain ko rin yan non ah.. kaya lang lahat kami gusto chocolates, kaya latak lang minsan nakakain ko.. kinain na rin ng ibang friends ko eh.. hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s