When your eyes begin to fail you…

Nagsimula akong magsalamin nung 2009.  Sabi ng duktor namin (mga amo ko), I could have had it before but I ignored it.  Siguro nga, kasi it’s a burden.

Before I had my glasses, I had 20/20 vision.. and for the longest time, I thought I will always have.

So when they prescribed me to have glasses, in denial… haha… ayaw ko magsalamin.  Sabi ng optometrist, suotin ko yung salamin ng at least 4 hours para masanay ang mata ko.  Ngayon, di ko na matanggal.  Di naman kataasan ang grado ko, pero matindi naman ang sakit sa ulo pag wala akong salamin.

Me mga friends akong nakasalamin din, sila ang nagbigay ng advise sa akin.  Proper glass care and eye care.  Di na siguro rin maiwasan ang panlalabo ng mata ko dahil sa araw-araw na pagharap ko sa computer.  Di pa ako nakuntento, nagbabasa pa ako sa dilim (thru my cellphone).  Dahil din sa maliliit ang font, ayun, na-“strain” ang mata ko.

Salamat din sa contact lens.  Natutunan ko itong gamitin, pero di pa rin ito sapat para masanay ang mata ko.  Kaya naman tinigil ko pansamantala ito.

Hirap ng nakasalamin.

Sa inyong lahat, sino sa inyo ang me salamin at ano ang grado nyo?  Anong eye care or glass care ang maibibigay nyo? 😦

Advertisements

16 thoughts on “When your eyes begin to fail you…

  1. I’m a proud four-eye here: wore the pair ever since 1997 (woah, 17 years na pala magmula noong nagsuot ako ng salamin!). Napala ko sa kababasa ng madilim, noong bata pa kasi eh bookworm ako. 550 nearsighted, parehong mata.

    Tried wearing contact lenses around 2010 for cosplay purposes, limiting kasi masyado pag naka-salamin ka. =))

    • natuwa nga ako nung matuto akong mag-contacts eh.. pero habang tumatagal, burden pa rin.. i preferred glasses.. pero grabe ang taas ng grado mo. bulag ka na palang maituturing…

      Sabi ng ophthalmologists namin dito, pwede daw ako pa-laser habang mababa pa (100/125). pero parang mas mahirap.. so salamin na lang muna talaga! 🙂

      • Nabanggit nga sa akin na hanggang 30 years old daw yung magiging pagtaas ng grado ng mata ko at di raw mapipigilan – mapapabagal lang. :-\ Na-consider ko ring magpa-LASIK kaso matagal-tagal pa ang ita-trabaho ko para makaipon.

        May mga nagsabi kasi sa akin na kahit magpa-LASIK ka eh babalik pa rin naman daw ang grado mo sa dati, pero di ko alam kung ganoon nga ang kaso…

      • medyo mahal nga ang lasik… di rin guarantee na mawawala ng tuluyan ang paglabo ng mata. Pero as for pagtaas ng grado until 30, lagpas na pala ako.. di na tataas ang grado ko.. hahahaha! don’t ask about my age 😛

    • hindi ko rin alam eh.. sa observation ko, almost every year, nagpapalit ako ng salamin kasi feeling ko nagbago ang grado ko.. so far, hindi naman.. tumaas man, konti lang. first diagnosis kasi 100/100 ang grado ko.. now it’s 100/125.

      • anu yung hindi naman. pansin ko na rin kasi na hindi na ganun yung vision ko katulad ng dati. bagsak nga ako dun sa eye test (yung babasahin yung letter) sa aming APE. 😀

      • so far, hindi naman nagbago ang grado ng mata ko… katulad nga ng sabi ko, mababa lang ang pagtaas nya. I can still use the 100/100 prescription glasses ko. pero it is still advisable na magpatingin ng mata every year, sabi ng optometrist ko.

        Bumagsak din ako sa eye test for driving exam… buti na lang, bago ako nag-take ng test ulit, nag-contacts na ako.

      • oo… lalong lalabo ang mata mo. patingin ka muna… me free consultation naman eh. kung sabihan ka na magsalamin na, saka mo pag-isipan kung papagawa ka na ng salamin sa kanila or hanap ka ng iba. either way, you will eventually need glasses.

      • Sabi ng matatalinaw kong kabagang, may kinalaman din daw yan sa angkan at mga ninuno kung saan ka nabibilang. Namamana daw. Plus factor yung mga paglalaro ng pitik bulag at pagbabasa sa cellphone at pagbababad sa harap ng kompyuter kagaya ng nabanggit mo. Ang higit na nakakapangamba, irreversible ang kundisyon ng mata kadalasan. Totoo, may halo itong pananakot lalo pa nga’t galing ito sa isang estrangherong napadaan lang at nakisawsaw sa kwentuhan. Hehe!

      • kata-cute naman.. hahahah!\

        as for the namamana, siguro nga pero sa family namin, ako pa lang ang nakasalamin, so more likely, it’s not hereditary (at least for us).

        salamat sa iyong pagbisita. 🙂

  2. Pareho tayo ayaw ko din magsalamin nuon kahit nung college days inaadvise na sakin pero carry lang ako haha! 2013 lang ako nagstart,nakasanayan ko na din ngayon pero near sighted kasi ako kaya di ko need isuot all the time, kapag tipong nanunuod lang ng tv or sine or nasa malawak na lugar at kailangan sipatin ang mamalayong tanawin. Hehe… As much as possible ayoko maging dependent sa glasses. In denial parin? About contact lenses naman I have no plans, feeling ko high maintenance? Di ko rin naman trip ung mag artificial colored ng eyes so i won’t bother, i’m fine with just glasses for now and i’m enjoying yung mga stylish frames. I actually have two pairs. 🙂

    • I have several pairs of glasses.. hahaha! every year nagpapalit kasi ako, kahit walang change sa grado ko. Dependent na ako sa glasses ko kasi me astigmatism din ako kahit near-sighted, I need glasses kasi sumasakit ang ulo ko pag wala.

      Minsan gusto ko subukan yung colored contacts, pero wala raw grado yun eh. Plainly for kaartehan lang… so bakit ko pa papangarapin.. hahahah! goodluck sa atin! 🙂

  3. Hello po. 14 years old pa lang po ako (since grade 1 nakasalamin na po ako) but 525 (nearsighted) na po grado ng mata ko pero before 300 lang po(kakapacheck up ko lang po kase nung June 12), madalas po kasi ako magcomputer at mag cellphone buong araw tapos nagbabasa rin po ako sa dilim, nakahiligan na din po kase. So habang patagal po ng patagal lalong tumataas po ung grado ko. Ano po ba dapat kong gawin para ma lessen ang pagtaas ng grado ko ? 🙂 Sana po matulungan niyo po ako. Willing po akong tigilan ang pagkahilig ko sa mga gadgets para sa mapababa ung grado ng mata. ^___^

    • Grabe ang taas ng grado mo! I would say you’re already blind.

      Honestly, I don’t really know much about how to minimize or how to stabilize your prescription. Mas maganda sigurong pumunta ka sa ophthalmologist (not optometrist) – one who performs LASIK.

      I’ve been told na posibleng dahil laging dry ang mata kaya rin tumataas ang grado, so keep it hydrated with those solutions. it’s over the counter pero mas maganda magtanong ka muna kahit sa optometrist if it’s advisable. I got mine, yung “tears naturalle”. it’s pricey but it’s effective. don’t get much red eyes.

      Blink often… the gadgets don’t dry your eyes but since you don’t blink that much, it dries up.. kaya akala natin yung pagharap sa gadgets ang problema.

      at posibleng sa kaso mo.. Lasik ang makakapagpacorrect ng grado mo. good luck!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s