Clutter

Hindi ako mahilig maglinis pero hindi rin naman ako makalat, at higit sa lahat ayoko rin ng kalat.  Inaamin ko na pag nakita mo ang kabinet ko, di nakatupi ng maayos ang mga damit ko… basta ko na lang itong itinambak.  Ayoko rin ang mamalantsa, kaya wash and wear ang mga damit ko… hehehe!

Napaisip lang ako kasi pagdating sa opisina ko, marami ang bumabati na maayos ang opisina ko… hindi raw makalat.  Di ko alam kung bakit nila nasabi yun samantalang me mga nakatambak na papel sa tabi ko na katagalan, pag di ko na natiis at tuluyang naiinis, itatapon ko na lang.

Noong bata pa kami, minulat kami ng nanay ko sa uncluttered environment.  Metikulosa si mama at higit sa lahat, neat-freak.  Ganun din si papa, kuya at si sister… ako lang ang hindi.  Pero nakuha ko naman ang organized-freakness ni mama.  Nangagati rin ako sa clutter.

Yun naman ang maipagmamalaki ko, di ako makalat at organize naman ang aking mga gamit kahit bungkos.  Speaking.. kelangan ko ng mag-ayos ng kalat kahit sa kwarto ko lang.

Ano pa ba ang mga clutter na dapat ko ng itapon / ayusin:

  • yung mga Scrap papers from 2 years ago
  • journals ko na more of weekly to-do lists from 5 years ago
  • damit na masakit mang tanggapin ay hindi na kasya sa akin
  • mga books na 5 years old… hindi na updated pero essential pa rin
  • bags na pigtas na ang handle at shoes na sira na pero nasa box pa rin
  • boxes ng old phones (meron daw bumibili nito)

Darating din yan… maayos ko rin lahat yan, unti-unti.

Sa bahay, di ko kelangan ng malaking space, gusto ko lang organized and uncluttered.  Kaya gusto ko manood ng mga DIYs at Renovation shows, pati interior design shows kasi naaliw ako sa mga ginagawa nilang paraan para magdagdag ng storage, magtapon ng kalat etc. para lang punuan ng panibagong kalat ang bahay.. hahahaha!

Kung sakali mang mangupahan or bumili ako ng condo unit, tyak na yung maliit lang ang afford ko… okay na sa akin yun.  Ganito lang oks na.

 

white-tiny-house-interior

or ganito:

1

 

Yung mga ganito lang masaya na ako… heheheh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s