Demanding

Di maiwasan sa trabaho ko ang mga demanding na bisita. Mga tipong susugod na lang tapos sasabihin “kelangan makausap ko ang boss mo“.  Hindi naman sa itinatago ko ang amo ko pero mukhang di yata tamang sumugod dito at mag-demand ng ganyan.

Kaya marami na rin akong pakulo para sa mga makukulit na sugod-bisita:

  • Pahintay.  Me mga taong sa sobrang kulit, feel daw nilang maghintay.  Pag nandyan si amo, hinahayaan ko lang maghintay kahit alam kong di rin sila haharapin ni amo.  Pero kung matindi pa rin ang kulit, pinapaalis ko na.
  • Wala si amo.  Dahil talaga namang in-demand si amo, madalas wala sya sa opis nya.  Ang masaklap sa akin lahat bagsak ng mga bisita.  Isa lang naman ang sagot eh, wala si amo.
  • Walk-out.  Pag talagang super kulit pa rin, ako ang nag-wo-walk out at naghahanap ng mga pwedeng mag-explain sa maliit nilang kukote na WALA NGA SI AMO.
  • Tawag na lang.  Pag medyo mabait, sinasabi ko, tawagan na lang si amo sa cellphone nya. O kaya yung mga VIP… hehehe
  • Sulat mensahe.  Isusulat ko na lang ang mensahe nila at sabihin ke amo pag dumating.
  • Dedma.  Pag talagang makulit pa rin at medyo di maganda ang mood ko, dinededma ko.  Kahit anong sabihin nila, di ko masyadong pinapansin. – salbahe ko.  Ayoko pa masisante.

Wag na lang makulit.  Hindi rin kasi uubra ang pagkademanding nila sa mas demanding na amo.. hehehehe! Wala rin.. 😛

 

Advertisements

4 thoughts on “Demanding

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s