Masarap Gawin Pag Umuulan

Dahil panay ang ulan, karamihan sa atin nasa bahay lang.  Ilang taon rin akong di nakakaranas ng araw-araw na ulan.  Maliban pala last year 2012.  Nasa Pinas ako ng dumating ang Habagat… nataon sa bakasyon namin.

Miss ko ang ulan, pero ayoko ng bagyo.  Perwisyo kasi.  Mahirap talagang kalaban ang kalikasan, lagi kang talo.

Nung bata pa kami ng mga kapatid ko, masaya kami pag walang pasok at kung ano ano ang mga ginagawa namin sa loob ng bahay.  Di kasi kami pinalalabas ng nanay namin.

Masarap gawin pag umuulan at walang pasok:

  • Matulog – bawi na tayo ng tulog
  • Kumain – lalo na kung me sabaw yung ulam at mainit
  • Manood ng TV – updates kung lalakas pa ba ang ulan at kung ano pa ang mga nangyari sa iba nating mga kababayan.
  • Mag-Internet – yun ay kung me kuryente.
  • Maligo sa Ulan – wag lang masyado, baka magkasakit naman
  • Maglaro – nung bata kami, gumagawa kami ng fortress at maze ng mga kapatid ko using pillows.  para nga naman hindi ma-bore
  • Board games na rin – di kasi pwedeng lumabas eh

Kung sakali namang di na makalabas, mas magandang mag-stock ng de lata at bigas.  Hindi natin alam kung gano katagal ang bagyo.

Kung mag-eevacuate naman daw:

  • itaas na ang mga gamit especially appliances at patayin ang main switch
  • magdala ng extrang bihisan – good for 5 days
  • Ilagay sa plastic envelope ang mga important documents at papers.
  • magdala din ng de lata at ibang ready to cook meals
  • kung maari daw, mga damit, cellphone, chargers at importanteng documents lang daw dalhin para di mahirapan sa pag-evacuate.

Hindi rin natin masisisi ang ibang kababayan na manatili sa bahay nila kahit binabaha.  Marami kasing mapagsamantala at nagawa pang nakawan ang mga kababayan natin.  Wag naman ganun!

Ingat po tayong lahat.  Kaya natin ‘to.  Pray and always be prepared.

Advertisements

10 thoughts on “Masarap Gawin Pag Umuulan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s