Ang Hirap maging Mahirap

Nagkaron ng mahabang holiday dito dahil sa Eid Al Fitr. Starting Wednesday (07 August), wala ng pasok hanggang Monday (12 August), the week after.

Usually sa holiday na ito, marami ang namamasyal, out of town, out of the country, o kaya umuuwi dahil mahabang holiday din naman.

Kaya lang tuwing naiisip ko ang holiday, hindi ako maexcite.  Laging merong hadlang. Datung, Anda, Pera, Cash, Money!

Dami mong gustong puntahan, dami mo gustong bilhin, wala namang budget. Hindi sa wala kang pera. Sabi kasi nila, masama daw na sabihing wala kang pera, kasi mawawalan ka talaga (pamahiin nga naman!). Pero mas appropriate na sabihing walang budget.

Buti na lang dumating yung dinaramdam ko nung holiday (kesa naman during work days, sayang ang off).  Sino ba me gustong magkasakit? Wala naman.. pero mabuti na ring holiday nung ako ay me dinaramdam.  Una, iwas gastos kasi nasa bahay ka lang.  Pangalawa, hindi nga sayang ang work days.

San ko ba gustong magpunta at kelangan budgeted?

  • Manila, Philippines – Syempre, there’s no place like home.
  • Dubai / Abu Dhabi, UAE – A glimpse of the metro.
  • London, UK – Mahal ang bilihin, accommodation at visa.
  • Bangkok, Thailand – Mura ng konti pero mahal ang pamasahe.
  • Kuala Lumpur, Malaysia – Explore lang… 😛
  • Hong Kong – Punta Disneyland.

Ambisyosa!…. Kaya kelangan talaga me budget!

Anong pwedeng gawin pag mahabang holiday, walang budget at di ma-“bore” sa bahay:

  • Punta sa beach.  Pinoy kasi pag sinabing beach, kelangan laging me dalang food.  Pwede namang sight-seeing lang.  Kung magutom, chichiria na lang at saka baon ng tubig.  Tapos.  Mas masaya yung “walks” sa beach.  Mas relaxing.  Yun naman ang pinunta mo dun di ba?  Yung activity.  Hindi yung food.
  • Mangapitbahay.  Makinood ka ng marathon series nila.  O kaya ikaw ang madala ng marathon series.  No need for food – maliban kung me mag-alok.  Kung wala, okay lang.  Kaya nga Activity lang eh… no food required.
  • Arts and Crafts / DIY project.  Nang dumating ang nanay ko, nagkaron kami ng project.  Gagawa kami ng tote bag.  Pero mukhang nauwi sa pag-bake ng cake dahil birthday din ni sister…. Mang-inggit lang naman sa FB… heheheh! (kala nyo kayo lang ha!)
  • Makipag-chat.  At least mahabaang usapan pag walang pasok, pwedeng puyatan.

Oh yan…. holiday within a holiday lalo na pag tinamaan ka ng “stinginess” o yung wala sa budget na holiday.

Advertisements

8 thoughts on “Ang Hirap maging Mahirap

  1. Bat nga ba ganun ang pinoy, pag nagbeach kelangn may spaghetti at fried chicken.. pro yun na yung nakasanayan, parng ang hirap magutom sa beach, kelangn mdmi baon.. hehe

  2. Ako hinde nobore during ramadhan week, kse pinag-over time kame.. yung mga kasa namin muslim vacation mode n lahat..atleast hinde gumastos..dagdag bayad n lang sa sweldo ..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s