Ang paulit-ulit ba ay “slow”?

frustrationMay mga pagkakataon na kailangan ko magbigay ng instructions.   Pag ganun, kelangan prepared ako.

Kung sakaling ako naman ang binibigyan ng instructions, madalas pinangungunahan ko ang instructor.  Natataon namang tama pa rin ang gawa ko, yun nga lang, inis ang instructor ko… in short, umepal ako.

Pag ako naman ang nagbibigay ng instructions, ayoko ng paulit-ulit.  Siguro nga hindi ganun kahaba ang pasensya ko.  Kaya ganun na lang ang pagkairita ko pag tanong ng tanong at paulit ulit ang mga sinasabi ko.  Gusto ko ng isigaw na “Naiintindihan mo ba ako?”

Nakaka-offend nga naman.  Ayoko pa rin naman kahit papano na maging cause ng sama ng loob ng ibang tao.  Hormonal ba or emotional lang talaga ako? Hindi ko rin masagot.

Marami ng pagkakataon ang naubos ang pasensya ko dahil lang sa paulit ulit na pagsasabi ko ng “the same sentence”.  Katulad sa telepono, pagtinawagan ako  me pagkakataon na “choppy” ang linya – di maiwasan na panay ang “ha?” ng kausap ko.  Kaya naman mapipilitan akong ulitin ang sasabihin ko.  Pag nakatatlo or apat na akong ulit, sasabihin ko na lang na saka na mag-usap.  Uminit na kasi ang ulo ko.

Maging sa computer.  Alam kong kaya nga nagtatanong kasi di maintindihan.  Me mga applications naman na di ko rin maintindihan at hindi ko na ring pinagtyagaang alamin.  Kadalasan binibigyan ko na lang sila ng step-by-step guide at ilang instructional material, isama na ang demontration, pero magtatanong pa rin.  Siguro nga hormone lang…. dahil hindi talaga pwedeng di ako magalit.

Me mga pagkakataon naman na ako ang makulit.  Pag nakikita ko ng inis na ang kausap ko, tinitigilan ko na at inaalam ko na lang.  Ako rin kasi, ayoko ng kinukulit.  Pag mga jokes, me pagkakataon namang di ako seryoso, pero di ko magets agad ang mga jokes.  Yung iba corny ang dating sa akin… yung iba naman, “berde”.

Slow ba kapag paulit-ulit? Me mga pagkakataon naman na okay lang eh.  Masama bang hilingin na sa isang sabihan lang eh, gets agad ng kausap mo?

Advertisements

11 thoughts on “Ang paulit-ulit ba ay “slow”?

  1. sis ang masama jan eh yung consistent sa pagiging makulit.. ke-malinaw o hindi ang linya ng telepono or makailang ulit na, un malamang may problema na un.. hihihi..

    meron din naman pagdating sa trabaho ay kunwari nagets mo na, lalu pag language barrier.. tpos pag talikod ng boss eh saka ko iisa isahin ang mga sylables ng sinabi nia.. sabay sasabihin ko, ay un pala un! I was pertaining to myself! hahaha

  2. Hello! Ako din ayoko ng paulit-ulit, lalo na kapag alam kong malinaw naman ang instructions ko. Pero minsan, ‘pag ako din ang di nakaka-gets, ako na lang ang umuulit ng instructions at pinapatingnan ko sa instructor kung tamapagkadinig ko. ‘Di naman talaga slow ‘pag paulit-ulit, minsan bingi lang talaga. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s