Ayoko ng Selfie sa FB

Salamat kay Karl, naintindihan ko na kung ano ang selfie.

Alam ko karapatan ng bawat isang ilagay ang gusto nilang i-post sa FB, sa Twitter, at blog nila.  Pero di ko maiwasang mairita pag nakikita ko sangkaterbang mukha mo sa FB.  Iisa lang ang pose, iba iba lang ang background.

Gusto ko ang FB.  Nakahiligan ko nga ito eh.  Ayoko lang yung mga members / users nito.  Ibino-broadcast na ang mga milestones ng buhay.

Oo nga’t proud moment ito.  Isang accomplishment.  Maiintindihan ko pa kung pictures ng birthday party mo, graduation mo, oath taking, travel adventure, at kasal mo ang mga posts mo.  Kahit ako, kung ganyang mga events, kahit di ako selfie, popost ko.  Ipangangalandakan ko sa buong mundo yun.

Mga ayokong posts sa FB ng mga friends and family:

  • Pictures in restaurants and food, every week.  Kung food blogger ka and you’re paid to posts food reviews, sige! post away… pero kung outing lang ng family – keep it to yourself.
  • Love quotes poster – oo na, in love ka.  We’re happy for you.  But we’re sick of hearing it.
  • Bitter quotes –  kabaliktaran ni love quotes poster.  Brokenhearted eh.
  • Pasaring – kahit anong gawin mo, manhid yung guy friend mo.  Hindi sya nadadala sa pasaring.  Tigilan mo na and Move on!
  • Paawa effect – mga nang-aaway sa FB posts tapos magpapaawa effect.
  • Too much selfie – tulad ng sabi ko, iisa lang ang pose, iba iba lang ang background.

Urgh! @#%!@%^& the Agony!  Again, karapatan mo kung anong gusto mong ipost sa FB mo.  Sinasabi ko lang na ayoko ng ganyan.  Buti na lang me “hide” option.

 

Advertisements

11 thoughts on “Ayoko ng Selfie sa FB

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s