Pen Name

Hangga’t maari, ayaw kong sabihin ang tunay kong pangalan. Siguro dahil sa uniqueness nito. Ako lang ang may ganitong pangalan sa mundo, kaya naman nandun ang takot ko na sobrang dali para sa iba na mahanap ako.

At dahil sa takot na ito, hindi ko kaagad pinaalam sa iba ang pangalan ko.  Kaya pinili ko ang “Bebekoh”.  At least alam ko, sa pangalang ito, pag tinawag mo ko, lilingon ako.  Kaya nga kahit sinong tumawag ng “Bhe” or “Bebe”, lumilingon ako – kahit hindi pa sya ang Bebe ko.  LOL!

Well, that’s not what I would say anymore.  Nasabi ko na dito ang totoo at buong pangalan ko.  Bagamat hindi iyon ang ginagamit ko, at least alam ninyo ang pangalan ko.. hehehe!  Siguro naman, pag nagkita tayo ng personal, hindi bebekoh ang itatawag mo sa akin.. 😛

Kaya naman nandun din ang inggit ko dun sa mga ginagamit ang tunay nilang pangalan sa blog nila kasi alam ko ginagamit nila yun bilang portfolio nila. Isa nga naman kasi yun sa paraan para ipakita nila ang skills nila.  Katulad ni ResidentPatriot (drawings); si June, si Dwight, si Adrian, si Zezil para ipakita ang writing skills nila.. buti pa sila! 🙂

Inggit din ako sa mga nagpo-post ng picture nila.  Lakasan talaga ng loob.  And hindi pa talaga kaya ng powers ko yun.  Marami kasing nakakatakot sa internet and hindi ko alam kung san galing ang “irrational” fear ko na magpost ng picture.  Katunayan, yung facebook account ko, di naman ganun kadami ang pictures, karamihan pa, group photo.. walang masyadong solo.

Kelan kaya mawawala ang irrational fear ko?

 

Advertisements

25 thoughts on “Pen Name

  1. You have a very beautiful name ate pero I prefer calling you ate Bebe, ang sweet kasi pakinggan e. 🙂

    Mawawala din ya ‘te, keri boom lang. 🙂

    Kung anu ang comfortable sayo, game parin kami. 🙂

  2. I don’t think it’s irrational. 🙂 I remember being so scared someone would be able to trace my blog ( I wrote everything there). I guess I just began to feel more comfortable about myself. 🙂

  3. Haha d q alam ang sasabihin q..I have a blogmate here in WP na very mysterious kc never pa nyang nabbangit ang name nya sa mga posts nya and yung mga photos nya almost lahat nkatalikod..pero sobra dami ng followers nya, cguro its not because of his name or looks kya he dnt emphasize on it.I find his post to be a sensible one,he has skills and maybe thats important and maybe ganun ka dn..cheer up bebekoh..

    • Salamat.. hehehe! pa-mysterious effect ba? i dont really see the need na sabihin ang name, unless you’re meeting them. Ang importante naman talaga yung content at yung skills. Mas magandang makilala ka kasi maganda ang nagawa mo, hindi puro kabulastugan, di ba? hehehe! Salamat ulit! 🙂

  4. Parehas tayo. Sa mga ganitong klase ng social media, pinipili kong wag sabihin yung buo kong pangalan. Ayoko din kasi na mahanap ako ng mga nakakakilala sakin. Medyo pa-mysterious lang ang peg. Hahaha!

    • hahaha! siguro nga gusto natin yung mystery. Pero not all of my friends know I blog. Those that know, don’t really visit… My parents don’t even know either. 😛 I guess they have an idea, but I didn’t invite them.

  5. Okay lang yan. Actually, medyo rational pa yang fear na yan. Kasi naman, everything we post here stays in the internet kahit anong bura pa ang gawin parang tattoo. Basta, be responsible lang sa kung anong pinopost dito; yung tipong hindi pagsisisihan kapag nalathala na. Kung ayaw, ‘wag pilitin. Ganun lang kasimple. Kung anuman ang gusto mo isulat sa blog mo e wala namang silang magagawa dun unless i-hack nila ang posts mo. Nyek! Cheers Bebekoh! 🙂

    • yun na nga eh.. me mga post akong i regretted ever written. ang masama, hindi naman dito sa blog ko napublish, sa ibang site. 😦 which once published, hindi na pwedeng burahin. ang pakunswelo ko na lang, yung pen name ko ang gamit and not my real name. Still, nandun yung thought na “ayy… nakasakit ako ng tao”

      Anyway, we can’t undo what’s already done. Just ask for forgiveness and move on. Learn our lessons and “try” to not do it again. That’s all we can do. 🙂 thanks for the comment, allen! 🙂

  6. Bebe ko! Lols.

    Kahit ako hindi pa kayang magpost ng mukha ko sa blog. Sa pangalan naman, hanggang first name lang. Anong post mo dito makikita yung whole name mo? Hehe. 🙂

  7. I prefer to use a pen name too. When I contributed articles for a newspaper, I even asked if I can use a pen name, but the editors would like my real name instead, for authenticity, I guess. And I prefer not to show my face also (baka matakot ang mga readers!). 🙂

    • Ay ganun! horror ba ang dating ng pics.. hehehehe! alam ko di lang naman ako ang mas prefer ang pen name, pero tama rin siguro na as a reference, ibigay yung real name, pero for publishing, mas magandang pen name..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s