Style ng Pa-Cute

Note:  iba ibang tao ang pinatatamaan ko dito

Iba talaga ‘pag me kelangan – nagiging sweet.  Pa-cute pa nga eh.  Isama mo na rin yung mga walang magawa at lumilibot lang ng opis.  And as much as i want to go along, ‘di pwede.  Bakit nga ba? Ewan ko…. pasaway lang talaga siguro.

Mga style ng Pa-cute na nae-encounter ko:

  • Question Marks and “Pabor”-ites:  istorbo ka sa trabaho ko.  Imbes na magtuloy-tuloy ang ginagawa ko, nandyan ka at nagtatanong ng kung ano ano.  Sige na, directory ako.. bukod dun, dapat alam ko kung nasan ang mga tao sa aming departamento.  Pero yung hanapin mo sa akin ang taong nandyan lang sa kabilang kwarto at nakita mo na sana kung hinanap mo lang, katamaran yun di ba.  Ibig sabihin, gusto mo ako maghanap para sa iyo.

Gusto man kitang tulungan, mas magandang umalis ka na lang sa harapan ko.  Wag mong ipangalandakan sa akin ang katamaran at kaartehan mo… i’m not impressed.

  • In-your-face.  Hindi sa manlalait ako, pero hindi ka kagwapuhan.  Bagamat yun ang unang napapansin sa tao (looks, i mean), hindi naman ito ang dahilan kung bakit irita ako sayo.  Kundi yung pagtatanong mo.  Tama bang ilapit ang mukha sa akin para lang ipahatid ang point mo? Kung tutuusin, i got it the first time.  Lumayo ka ng konti… hindi tayo close.  Wag kang in-your-face magtanong… naaamoy ko pati hininga mo.  There’s this thing called “tic-tacs”.
  • Silent type.   Nandyan yung tatayo sa tabi ko at titingin ng kung ano-ano except me.  Ewan ko… gusto mo lang ba ako masilayan?
  • Story tellers.  Kwentuhan daw ba ako… dinadaan mo ako sa kwento.  Sige na… isali mo na yung trabaho ni ganito at ni ganyan.  Pati yung ginagawa ng aso mo.
  • Callers.  Mahina naman ang celfon signal dito sa opis ko.  Ni hindi ko nga magawang mag-Viber dito, pero bakit dito ka pa sa harap ko nakikipag-usap sa phone.  Nilalakasan mo pa talaga.  Sinasabayan mo ang mp3s na pinatugtog ko.  Gusto mo bang makinig ng music? Gusto mo bang me background? Gusto mo bang me mang-eavesdrop? Kung eavesdrop ang gusto mo, bakit di ka na lang dun sa opis ng amo ko nakipag-usap sa phone?

Hay naku… entertaining kayong lahat, pero habang tumatagal, nagiging annoying kayo.  Wag nyo naman masyadong dalasan.  Di kasi nakakatuwa lalo na pag busy ako sa work – at pagsusulat ng blog.. (shhhh!)

I hope wala akong maencounter ngayon… or else!!!!!!!

Patience my dear, patience my dear… Lord, give me patience. – chanting!

 

Advertisements

4 thoughts on “Style ng Pa-Cute

  1. So far, yung “Question Marks and “Pabor”-ites” pa lang ata yung naeexperience ko. At nakakapikon, nakakairita, nakakainis, nakakaasar. -___-

    Anywaaaay, isa lang masasabi ko dyan, PATIENCE IS A VIRTUE. Nawa’y hindi ka na nila gambalain. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s