My Future Career

Sa totoo lang, sa edad kong ito (bawal magtanong – hanapin nyo na lang dito), dapat alam ko na ang gusto at dapat kong gawin.   Nandun na ako sa puntong, alam ko na ang dapat kong gawin, pero di ko pa rin alam ang gusto kong gawin.  Kaya siguro ako mareklamo, frustrated, mainitin ang ulo, imbyerna – kumbaga.

Aminado ako, ang dami kong gustong gawin, pero di ko maumpisahan.  Una, tinatamad ako.  Lahat kasi ng kelangang pag-aralan, binibigyan ng oras… oras na dapat di nasasayang.  Pero sinasayang ko lang, obviously.

Pangalawa, dahil nga sa dami ng gusto kong gawin, di ko malaman kung ano ang uunahin.  Hayy naku… Dilemma.

Alam ko di lang ako ang nasa ganitong phase… crossroads daw… Seriously!

Pero gayunpaman, I am looking forward to the future.  Alam ko kasi na eventually, mawawala ang pagiging bugnutin ko.  Napaisip ako… pano kung umalis na ako sa abroad, umuwi at magtrabaho ulit?  Anong trabaho ang pwede kong pasukan?  Anong mapagkakakitaan?

Hindi kasi malayong mangyari.  Walang permanente dito sa lugar namin.  Eventually, tsugi ka pag napili nila.  I am grateful sa mga naitulong ng lugar na ito para sa growth ko.  Pero hindi natin masasabi…

Sabi nila (books, articles, posts, etc), para malaman mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang hilig mo is to try everything… as in EVERYTHING.  Gusto mo ng crafts, try it.  Gusto mo magluto, try it.  Gusto mo nito… well, need I say more?  Yung iba nga ang sabi mag-volunteer.

Ano’ng future career ang tinutukoy ko?  Hmmmm, siguro isa na dun, teaching career (got certified anyway).  Writing, maybe on the side.  Graphics designing “daw”.  Accountant… eventually.

Hmmm… so kung gusto ko maenhance ang writing ko, sulat daw ako at saka magbasa.  Kung gusto ko magturo, subukan ko muna magtutor.  Kung gusto ko magdesign, gumawa daw ng portfolio.

Yun nga lang, hindi ko na nga matutukan at ma-enhance ang writing skills ko (kung meron man – napakinabangan naman).  Di na rin ako makapagbasa para lumawak pa ang vocabulary ko.  Di ko na rin effectively ma-manage ang oras ko para magawa ko ang mga to-do list ko dahil inuuna ko pa ang panonood ng TV… hehehe!

Buti na lang, nakakapagsulat pa rin ako dito sa blog, kahit di na madalas.  Nawa sipagin ulit.

Napagod na ako kakaisip pa lang… what more kung gagawin na.  Nawindang ako.  Ayoko muna..  hahahaha! (tinamaan na naman ng Katam)

I will keep praying for it.  Will see what God has in store for me…

 

Advertisements

9 thoughts on “My Future Career

  1. I want to be a write but every time I read someone reaaaally good, I feel disheartened. 😦

    oh well, they say that the most interesting people are those that are still trying to find themselves, so yay! 😀

    • nahh.. don’t be disheartened. Everyone has a unique way of expressing themselves. I remembered when I tried to submit my writing to a writing site (called Knoji) and after 3 posts rejected, I am beginning to get frustrated. I tried one more time – rewriting a webcontent post from a writing project – what do you know.. they published it. Try to look at it as a challenge…

      and YES, we are the most interesting people. We are all crazy.. hahaha!

    • naku, mukhang mga bata pa kayo. okay lang yun… you can still work on what you are looking for. But it’s never too late for everyone, kaya tuloy ang journey. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s