imbyerna moment

Hay naku. Imbyerna kung me tao sa harap ko.  Di ko alam kung bakit nitong mga nakaraang araw mainit ang ulo ko sa mga istorbo.  Di naman ako ganun ka abala sa trabaho.  Sa katunayan, tapos ko na at puro surfing na lang ang ginagawa ko.

Di naman sana ako maiinis kaya lang humihingi sila ng pabor.  Kung sabagay, wala naman silang ibang pwedeng lapitan kundi ako pagdating sa bagay na iyon.  Ako lang ang me hawak nun eh.  Pero di ko alam kung bakit, iritable pa rin ako.

Siguro kasi halatang nagpapansin… yung tipong, mang-aasar lang talaga kasi nakikita nilang wala ka “daw” ginagawa.

Ikaw na, nakatayo sa harap ko.  Me papagawa ka na naman.. Sige na raw, minor lang daw yun.  Madali lang daw yun para sa akin.  Madali nga lang naman “daw” yung trabaho ko eh…

WTH.. madali pala eh, bakit di mo gawin?  Bakit sa akin mo pinagagawa?  Minamaliit mo ang work ko pero kung makahingi ka ng pabor, wagas… akala mo, amo kita.

Isa ka pa, ikaw na ginagawa akong directory.  Tanungan ng kung ano-ano.  Nasan si ganito?  Nasan si ganyan?  Kala mo di ko napapansin ha.  Gumagawa ka lang ng paraan para makausap ako.  Sorry pero di ko kayang sakyan ang trip mo eh.  Imbyerna ako sayo.  Ni hindi ko na magawang ngitian ka dahil sa papampam ka eh.  Ang kulit-kulit mo pa rin.

Buti na lang di lahat tao, katulad nyo.. hayy buhay… me mga tao talagang magte-test ng patience mo.. 😛

 

 

Advertisements

10 thoughts on “imbyerna moment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s