Clueless…

Part II of Foreign Conversations

Bagamat di ko pa rin masasabing malapit na tayo, madalas na tayong magkita at magbatian.  Dumating ang “International Day” sa ating simbahan at naatasan akong gumawa ng visuals (for presentation purposes).  Nakakulong ako sa isang booth kung nasan ang controls.

———-

BTW, Natapos na ang konsyerto at masasabi kong maganda ang kinalabasan. Marami ang dumalo at nasiyahan sa aming programa.  Aminado ako na dahil sa alam kong pupunta ka, napilitan akong tawagan ang aking mga kaibigan para pumunta at manood ng konsyerto. Di naman nila ako binigo dahil nagpunta sila.. hayy salamat! at least me kasama ka.

———-

Sa simbahan muli…

Abala ako sa pagmamando ng visuals at sa programa.  Hindi ko na maintindihan ang kinikilos mo.  Kada magkakatinginan tayo, ngumingiti at kinikindatan mo ako.  Haller! kaway lang okay na.  Ngiti lang ang iginaganti ko.

Tanghali na ng matapos ang program at gutom na ako.  Ayoko makisabay sa mga taong kulang na lang ay banggain ka para lang makakuha ng pagkain.  Sa halip, tinawag ko ang katabi kong lamesa at humingi na pagkain.  Kumain ako ng tahimik sa booth, pero gutom pa rin ako.

Katulad ng nakagawian tuwing matatapos ang programa at service sa simbahan, me batian.  Sinadyang mong lumipat sa booth at nakipagbatian sa mga taong malapit din dun.. (Kala mo di ko pansin ha!).

Sa wakas, nakalapit ka na sa booth.  Binati ang aking katabi at kalaunan ako.  Yun nga lang, pumirmi ka sa pwesto.  Tinanong ko kung kakain ka ba, sabi mo mamaya na. Umupo ka sa tabi ko at nakipagkwentuhan.

Marahil natuwa ako masyado, di ko napansin na tayong dalawa na lang sa booth.  Dumating ang aking ina at tinawag ako.  Ewan ko kung bakit pero parang galit ang tono nya.  Sinabi nyang kumuha na ako ng makakain at tulad mo, sinagot ko lang ang aking ina ng mamaya na.  Di mo ako naiintindihan kasi Tagalog ang salita ko.

Pagharap ko sayo… sabi mo “So was she telling you to get some food?“… sinagot lang kita ng OO.

Marami na pa lang nakakita sa atin at lumapit ang iba nating kasama. Siguro dala ng gutom, sumimangot ako.  Kasi di na kita masosolo. Kaka!

Di naman ako bastos kaya kinausap ko rin naman ang mga bagong dating.  Tumayo ako para kumuha ng inumin.  Nakita ko ang isang kababayan at nakipag-usap sandali habang nasa pwesto ng inuman.  Pakiramdam ko sumusunod ang iyong tingin.

Di nga ako nagkamali, pagbalik ko, tinanong mo ako kung bakit Coke ang kinuha ko.. di lang yun, tinanong mo rin ako.. sino ang kausap ko? (So?!)

Anyway, ayoko ng palawigin pa ang usapan kaya tinuloy na lang natin ang pakikipagkwentuhan sa iba pa nating kasamahan.  Nakakapagod ang araw na iyon at medyo kinabahan ako dahil baka pagalitan ako ng aking ina tungkol sa ating pagsosolo sa booth… buti, hindi naman.

Bago tayo naghiwalay, at least, natsansingan na kita… dahil bago mag-uwian, niyakap mo ako.  Naks naman!

Advertisements

4 thoughts on “Clueless…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s