Foreign Conversations

Inspired by Zezil (mahilig ka kasi magkwento ng encounters mo eh!)

 

Mga 3 4 taon na ang nakakalililpas… Tawagin na lang natin syang Gentleman.

Unang encounter:
Sa pakikipag-usap mo sa ating kasamahan sa simbahan, dumating si Ako. Pagpasok ko, ikaw agad ang nabungaran ko. Nakipagtitigan ka as in maintain eye contact at hindi nagbaba… kala mo uubra ha! Bagamat may iba kang kausap, patingin-tingin ka pa rin.

Sa pagtatanong ng kasama natin ng pangalan mo, iyo naman itong binanggit.  Inulit ng ating kaibigan pero mali ang pakakabigkas. Nagbigay ka ng ibang paraan ng pagkakabigkas ng pangalan mo.

Sa pagkakataong ito nakalapit na ako at napansin kong di ka pa rin nagbaba ng tingin… eye contact pa rin.  Noon kita natitigan ng maigi at naisip ko “hmm… gwapo sya ha!

Second encounter:
Sa simbahan ulit. Sa mga hindi inaasahang kadahilanan, umaattend ako ng traditional service na di ko naman palagiang ginagawa, pero dahil makikipagkita rin ako sa ibang mga kaibigan, nagpunta ako. Nagkita tayo ulit at nagbatian ng “Hi”.

Pagkatapos ng service, batian na naman.  Lumapit ka sa amin at nakipagkwentuhan. Kahit unti-unti ng lumayo yung iba nating kasamahan, nakikipagkwentuhan ka pa rin.. sa akin.  Dumudugo na ang ilong ko ha!

Sa ating pagkukuwentuhan, narinig mo ang masamyong tinig ng isang kasamahan.  Nagpapraktis sya ng kanyang solo na kakantahin sa isang Chorale concert.

Napabulalas ka at sinabing “God! I love his voice.”

Nabanggit kong bigla ang tungkol sa konsyerto.  Tinanong mo ako, “Will you be singing?“.

Di ko inaasahan ang tanong mong iyon, pero sinagot naman kita ng maayos “I am part of the choir, so yeah, I am singing in the concert too.” at ngumiti.

Sabi mo “Great! I’ll see you then.

Tumigas ang aking panga sa pagkakangiti. Tumayo bigla ang balahibo ko. Wala akong balak mag-imbita ng kahit sino, kahit mga kaibigan ko.  At ngayon eto ka’t manonood ng aming konsyerto.  Patay na!  Pano na ito?

Di ko na matandaan kung ano pang nasabi ko… ang alam ko lang sinabi ko “Yeah sure!

 

–  Itutuloy…

Advertisements

5 thoughts on “Foreign Conversations

  1. Yun oh!!!!!! Na heksayted naman ako sa part two neto ate Bebekoh! [At may special mention pako, hehe, tenk yu po. :)]

    Natawa ako sa “nanigas ang panga”—relate relate!!!! Lol.

    Ayieeeee!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s