Nakaboto ka na ba?

Dahil sa nagtatrabaho ako abroad, di ko po kasalanan kung minsan di po ako updated sa mga pangyayari sa atin. Hangga’t maari, ayoko manood ng news. Depressing na kasi masyado. Puro patayan!

Anyway, naitanong ko ito kasi napanood ko (di ko rin natiis!) na pwede na raw bumoto para sa mga OFW mula pa nung April, at least for senators. Isa ako sa mga masasabing suwail na mamamayang Pilipino, kasi ayoko bumoto.

Bakit? Di ko kilala ang mga kandidato… di nga kasi ako updated sa news. Di rin ako naniniwala sa mga polls, popularity, etc. Alam ko naman kung talagang gusto kong makibahagi, makakagawa ako ng paraan para masulyapan ang mga kandidato eh. Meron namang Facebook account for election.

Higit sa lahat, nakakatamad pumunta ng Embassy. Salbahe ko! Talagang dito, katamaran na lang.

Pero isantabi natin itong mga dahilan ko, nakaboto na ba talaga ako?

Kung sakali, pangatlong boto ko pa lang ito.  Simula ng maging supposedly qualified voter na ako, di ako kaagad nakaboto.  Nung panahon kasi na dapat nagparehistro ako, nasa eskwela ako.  Uunahin ko pa ba yun kesa sa pag-aaral ko?

Makalipas ang 3 taon, di pa rin ako nakapagparehistro sa parehong dahilan. Hanggang sa pinagpaliban ko na lang.  Tuwing mababalitaan ako ang pagrerehistro at marinig na sobrang dami ang nakapila, di na ako tumutuloy.  Pakiramdam ko, di ako magsasayang ng panahon para lang magparehistro.

Nang makarating ako abroad, dun lang nagkaron ng pagkakataon makapagparehistro for absentee voting.

Ngayon namang pwede na akong bumoto, ayoko naman…. hay buhay…. life nga naman.  You always want what you can’t have.

Advertisements

2 thoughts on “Nakaboto ka na ba?

  1. Medyo nakakarelate ako, although wala ako sa abroad. Last week lang ako naimpluwensyahang bumoto, although di pa din buo ang loob ko. May pagka-fickle minded kasi ako sa mga ganitong bagay lalo na bayan ang nakasalalay. Hindi naman dahil tamad ako, pero gaya mo, di ko kakilala mga kandidato. May panahon pa naman. 4 na araw pa. Although may 5 Senatoriable na napupusuan ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s