Mga Babaero

Naalala ko lang yung sinabi ng kasamahan ko sa trabaho tungkol sa mga babaero / palikero, kung sino pa daw yung pangit, yun pa ang babaero….  Take note sabi nya, ang lalakas ng loob. Mga hindi naman gwapo. Nagawa pa nilang mambabae.

Ginawa na lang naming katatawanan yun.  Alam ko naman na base lang yun sa observations nya.  Di naman namin sinasabing lahat ng lalake babaero.  Meron lang talagang di makuntento sa isa… ang masama, base na rin sa observation ko, sila yung mga hindi masyadong pinagkalooban ng itsura.  Oo na.. grabe na ako makapanlait… narinig ko na yang comment na yan.

Nung bata pa ako (di ko masabi nung maliit pa ako kasi di naman ako tumangkad), yung mga nakilala kong gwapo (naks meron na!), mga one-woman-man.  Inggit nga ako eh, bakit di na lang sa akin nagkagusto… kainis talaga!

Pero yung mga di naman kagwapuhan, talaga naman… papalit-palit ng jowa.   Sila yung mga nang-aaswang… yung tipong posteng napaldahan eh papatulan pa rin.

grabe na!  hahahaha!

bakit ko nasabi ‘to? – nakita ko kasi yung kakilala kong me asawa na sa pinas, me kasama pa dito.  di naman din kagwapuhan… hayy buhay.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s