Manlalait ba ako?

Siguro dumating na rin yung time sa inyo na nakapagsabi kayo ng di maganda sa kapwa nyo. Not directly to them!

Naalala ko lang kasi yung tanong ng boss ko sa akin tungkol sa isang applicant, “maganda ba sya?”… wala kasing picture ang CV nya at sinabi ko na dumaan yung applicant sa office para ibigay ang papers nya. ‘Di ko sya sinagot. Tanging “hmmmmm……” lang ang lumabas sa akin.

Tumawa si boss. Sabi, “okay. it’s in the eye of the beholder.” I couldn’t agree more.

Siguro kung nilagay ko pa ang pangalan nya at pinost ko sa facebook or i-blog ko, nakasuhan na ako ng “anti-cybercrime Act”.

Wala naman ako sinabi na di sya maganda, di rin naman pangit yung applicant. Di lang talaga sya appealing for me.

Siguro nga dapat inisip ko pa rin ang sasabihin ko. Meron talagang silver lining between being sarcastic, being rude, being honest and stating the truth.  Yung iba kasi “they can’t handle the truth.”

Ano bang karapatan natin na magsabi ng di maganda sa kapwa natin? Di man lang ba natin iisipin ang mararamdaman nila?

Sa pagkakataong yun, naisip ko naman. Sabi ko pa nga sa sarili ko, buti na lang wala sya dun.

Sabi sa BIBLE, wag daw tayong mag-isip ng di maganda sa kapwa natin. Very specific… BAWAL MAG-ISIP NG DI MAGANDA SA KAPWA.

Wala naman akong naisip na di maganda… pero di pa rin tama ang nagawa ko. Religious ka man or hindi, me pag-iisip naman tayo at kunsensya na nagsasabi, mali ang nagawa natin.

Isipin na lang talaga muna natin ang sasabihin natin.

Hayy buhay! sige na nga… manlalait na ako! 😛

Advertisements

6 thoughts on “Manlalait ba ako?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s