What have you been listening to?

Dito sa opisina, ako lang ang mahilig magpatugtog. Mapa-mp3’s or kahit na ano, alam na nila na ako yun.

Nung una, naiingayan sila, pero dahil araw araw ko ginagawa at di naman sagabal sa trabaho, hinayaan na lang nila ako. Katagalan nasanay na sila. Yung iba hinahanap pa. Bakit daw ang tahimik sa opisina? Nakakarelax daw kasi ang me music.

Kaya nga laking tuwa ko ng pwede ko palang patugtugin ang mga streaming online radio stations. At least di ko na kelangan pang magdownload ng kanta. Pero ang mga napansin ko sa radio stations ngayon, lalo na yung mga sikat, medyo maingay at napakaraming commercials. Nakakainis na tuloy. Ang habol ko nga mga tugtugin eh tapos commercials ang maririnig ko.

Ano pa? Mga DJs na kulang na lang sumigaw sa sobrang ingay talaga and there’s too much going on. Siguro nga mellow lang talaga akong tao kaya di ako sanay sa ingay.

Isa sa mga station na pinakikinggan ko, yung Monster Radio RX93.1. English kasi… I have nothing against Tagalog. Pero since mas maraming ibang lahi dito sa opis (because I work abroad), mas maganda na English na lang din, para malaman nila kung gano ka bihasa ang pinoy sa English… wala silang binatbat.. hahaha!

Ngayon ang favorite ko, Easy Rock 96.3 (Light Rock). Puro old English songs… even more mellow. Nakakaantok tuloy pero mas gusto ko, kasi mas marami dito sa office ang napapakanta kasi most of them know the songs… hehehe! Napaghahalataan na ang edad! πŸ˜›

Ang gusto ko sa Light Rock merong mga sort of advices or tips. Like “thinking positively”.Β  Kakarinig ko lang. Sabi kung ano ang iniisip mo, yun ang maattract mo, kaya mas magandang mag-isip ka na lang ng happy thoughts. Other office attitudes, etiquette, etc. Oh di ba? Narerelax ka na, natututo ka pa. hehehehe!

Kayo ano pinapakinggan nyo?

Advertisements

8 thoughts on “What have you been listening to?

    • Dati, Love Radio ang pinapakinggan ko… kaya lang medyo maingay eh. di pwede pang-office, ang dami pa commercials. Kaya lipat ako sa RX93.1. Eventually, sa Easy Rock na lang at saka sa Mellow Touch.. pag maayos ang internet.. hehehe! thanks sa comment! πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s