Scary Encounters – What have you seen?

Dahil malapit na ang Halloween at ang All Souls’ and Saints’ day, nagsisimula na ang mga movie outfit na magpalabas ng mga katatakutang (tama ba ang spelling ko?) pelikula. Syempre mabenta yun… yun ang uso ngayon eh.

Share ko lang ang mga scary encounters ko. Nashare ko na ito sa ibang mga friends and blog friends ko.

Di ako nakakakita ng mga entities pero sensitive daw ako. Alam ko na kasi kung merong presence sa isang bahay kahit noon ko pa lang napuntahan. Iba kasi ang pakiramdam.

Di naman ito yung tipong tumatayo ang balahibo… basta.. iba lang ang dating, di ko nga rin madescribe eh.

Of course, me pagkakataon syempre na sobrang lakas ng presense nakikita ko na rin.

 

A Shadow, an alien kid and the white lady

Odd combination noh! Pero yan ang pagala-gala sa bahay namin. Bata pa lang ako, madalas ng nagpaparamdam yung “shadow”… matindi siguro peripheral vision namin dahil madalas namin syang makita sa gilid ng mata namin… correct! namin! meaning di lang ako.

Si alien kid naman (yun lang ang tawag ko sa kanya kasi wala syang form but he’s small)… nagagaya nya ang boses ng lahat ng tao sa bahay namin… lalo na ang sister ko. Siguro di lang namin narerealize, pero katabi pala namin sya matulog. Madalas ko kasi mapanaginipan si alien kid, lalo na nung bata pa ako. Me pagkakataon pa nga na tinawag nya ako palabas ng kwarto, pero di ako sumama, kasi inaantok pa ako.

Si White lady… sya ang most recent resident… hahaha! Nakita ko sya (opo! nakita po!) nung college na ako. Brown out sa amin. at yung akala ko eh aninag lang ng pag-adjust ng paningin ko, eh totoo na pala.

 

Weird! They all stayed in our house. Pero wala naman silang ginagawa, carry na din siguro. Basta di nila kami tinatakot or ginagambala, okay lang kami…

Kayo.. ano ang mga scary stories nyo.. post nyo dito.

–  posted in Fanbox Blog – Scary Encounters:  What have you seen?
Advertisements

6 thoughts on “Scary Encounters – What have you seen?

  1. Aww. Nakakatakot naman si alien kid. Hahaha. Hindi ko ma-imagine. Kung may tatawag sayo kaboses ng nanay mo tapos paglingon mo pala yung alien kid pala yun. Yay!

    • hahaha! di pa nangyari na si alien kid ang nakita ko… madalas ko sya sa panaginip makita. ginising nya ako ng madaling araw nung bata pa ako. Boses naman ng brother ko ang ginaya nya… sabi nya maghanda na raw ako kasi papasok na raw kami. pero sa aninag ko sa kanya, he’s not my brother… kahit kasi sa dilim, alam ko ang features ng brother ko. ingat lang.. playful kasi si alien kid.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s