Earn Online – Writing jobs, PTP, etc.

Nabanggit ko na siguro sa mga nakaraang post ko na kumikita ako online sa pagsusulat – web content writer.  Di man kalakihan pero okay na rin.

Me mga nagtanong tuloy kung pano ko nagawa yun at kung magkano na ang kinita ko. To give you an idea, eto ang mga tanong nila… step by step.

Pano ka (ako) napunta sa propesyon na ito?

Well, naghahanap ako ng mapagkakakitaan online. Isa ito sa mga natagpuan ko. Sabi naman nila, marunong akong sumulat kaya sinubukan ko. Kaya nga yung mga unang blogs ko, puro pertaining to earning online, kasi yun ang target ko. I see blogs as an earning potential.. di ko feel talaga ang magsulat ng mga saloobin ko… ayoko nga ng diary at journals eh.

Eventually, lalo na itong “panobamagblog” naging outlet na. Mas ganado na ako magsulat kasi masaya na ang sinusulat ko. Personal na… di na parang pilit. Sayang lang kasi di ko mapagkakitaan ang “Pano ba mag-blog?” hahahaha! Wala kasing ads eh.

Anong nangyari? Kumita ka na ba dito?

Merong kumita na, merong hindi.  Depende kasi eh. Sabi ko naman sa inyo, I see blogging as an earning potential. And for a while yun lang talaga ang purpose ko para dito. Marami na akong sinalihan paid writing sites, pero dahil di ko dinidibdib (should i say, di ko tinutukan), di pa ako nababayaran.  Me kita naman na ako… maliit nga lang, not enough for pay-out.

Siguro kung tinutukan ko talaga, malaki na rin ang kita ko at saka yun na ang pinaka-profession ko.

Pwede rin ba naming subukan ito?

Pwedeng-pwede.  Kung sakali, apply ka online… nakita ko ang web content writer post sa sulit.com.ph. I earned I guess more than 100 dollars although, i haven’t worked on it intently (di ko tinutukan). Mga 2 articles lang, every weekend pa.

Kung gusto mo talaga, you can join:

HELIUM – (paid-to-post site) revenue sharing at assignment basis. Pag assignment ang ginawa mo, you wrote it for them.  wala kang right para sa sinulat mo.

MYLOT – paid to post site din, pero maliit lang talaga ang kita dito.. di ito pwedeng fulltime job. Pero dahil maraming members ito, maraming community. Community of writers, community of PTC members, PTP, etc.

FACTOIDS / KNOJI – revenue sharing / assignment basis. The more you write, the higher the status.  Try to incorporate Search Engine Optimization (SEO) keywords. Medyo mahirap makapasa dito kasi mahigpit sila at sinasala talaga ang writers. Matagal bago ako nakapag-publish dito. At di pa ako nagsusulat ulit.

Yahoo! VOICES – revenue sharing / assignment basis (not so much). Sabi ko naman sa inyo madalas revenue sharing ang mga paid-to-write sites.  Ang masama, di ako masyadong nagpo-promote ng writings ko, kaya walang masyadong readers.

San pa pwedeng makahanap ng writing jobs?

ONLINEJOBS.PH – marami akong nakitang mga job openings dun for writer… on a fulltime basis.. di ko kaya yun eh.  you have to write at least 5 – 10 articles in 8 hours – fulltime.

SULIT.COM.PH– marami ring writing jobs dun.

PROBLOGGER.NET – nagpopost din sila ng job openings for bloggers.

BIREJJI – paid to chat site.. dun ko nahanap yung Fanbox.

To give you an idea kung magkano ang bayad:

FULLTIME: 300 – 500 dollars per month ang bayad.  About 40 hours a week (8-hours per day). You need to produce 5-10 articles per day in the 8 hour period.

PART TIME OR PER POST BASIS:  Depende sa site… merong site na minimum 400 words lang…. kung assignment basis.

  • 2.00 dollars per 500-word article
  • 2.00 dollars per 400-word article / assignment (merong 1.00 dollar lang)
  • 10.00 dollars per post regardless of number of words, kung expert ka na.

So part time lang ito for me, I earned more than 100 dollars (yun kasi ang malapit)… 2.00 dollars for every 500-word article.

Kung kilala naman na ang blog mo at gusto mo kumita, try mo magparegister sa Google Adsense or Bidvertise. Post ka ng ads sa site mo. These are paid-per-click. Kada click ng ads, regardless kung bumili o hindi ang nag-click, me kita ka. Yun ang pagkakaintindi ko.

I hope nakatulong ito sa mga gustong i-pursue ang writing. Pag me nakita pa ako, post ko na lang dito. Sa ngayon, me tinutukan pa ako. Nawa totoo ‘yun.

Advertisements

16 thoughts on “Earn Online – Writing jobs, PTP, etc.

    • Tried Adsense here, pero di pwede eh! 😦 sayang.. hahahaha! pero meron pa namang ibang pwedeng ipost, like banner ads… hanap-hanap lang.. makakakita din tayo.. 🙂

      Salamat sa reply at sa pag-LIKE!

      • mas madali nga ang posting dito sa wordpress. me blogger account din ako at me adsense kaya lang konti lang ang readers at di pa masyadong consistent, unlike dito sa wordpress. hehehe! wordpress muna ako. 🙂

  1. Hello sa iyo! Big help ang post mo sa mga aspiring web content writers. I was once a web content writer din kasi kaya nakaka-relate ako. Hehe. 🙂

    Yung first two employers ko, mga pinoy na medyo sobra akong nabarat, isama mo na ang mga pressing deadlines at nakakawindang na SEO articles na hindi ko alam. Hihi, pero okay naman kasi I learned naman from them.

    Third employer ko eh Foreigner na, more than 2 years na ako sa team ngayong year kaso, since nung July walang balita ang payout ko. 😦 Nagtanong na rin ako kung ano na ang status ko, pero wala pa namang reply hanggang ngayon.

    Fourth employer ko, Pinoy ulit. Dito na ako na-scam. Sobrang disappointed ako kasi I really spent time sa pagsusulat nung mga articles na yun; minsan nagsasabay pa yung mga deadlines sa isa kong employer pero I was always doing my best naman to submit the articles ahead of time, ganun kasi ako magtrabaho.;) Tapos ang ending, hindi binayaran yung mga articles na sinulat ko for more than a month! Hindi ko tuloy nabili yung gadget na pinag-iipunan ko nung mga panahon na yun :'(. Believe me, sinubukan ko syang tawagan, nagtetext ako sa kanya for several months, nag-send din ako ng mga emails, sinubukan ko din sya tawagan via skype, kaso deadma ang lolo mong scammer. Ayun, deadma na lang din ako. Nakakadala talaga!

    Kaya sa mga gusto sumubok magsulat online, doble ingat na lang kayo para di mapunta sa wala ang pinagpaguran nyo. 🙂

    • Di pa naman ako na-scam.. (Thank God!).. di ko rin kasi talaga sya matutukan dahil me work ako at sa abroad ako nagtatrabaho. hanggang ngayon sumusulat pa rin ako pero di na ganun kadalas. Sinabihan ko yung employer ko (pinay sya), na wag muna ako bigyan ng assignment kasi naging busy na ako sa work. mabait naman at okay lang sa kanya.

      Ingat na lang talaga para di talaga masayang ang pagod. charge to experience na lang! :((

      Salamat for sharing your experience din! 🙂

      • Feeling ko tuloy sobrang sawing palad naman ako. hihi.. Pero okay lang, natuto din ako. Hindi ko naman kasi linya ang pagsusulat pero dahil sa mga writing opportunities na inoffer sa akin, medyo nakahiligan ko na rin ang magsulat. Looking for employer na naman nga ako ngayon, mukhang malabo na ata na mabayaran ako nung foreign employer ko eh. :/

      • di ka naman sawing palad.. me mga taong mapagsamantala talaga. nataon lang na yung employer na nakakuha sa akin mabait. gusto mo bigay ko contact nya? kelangan nya yata ng writer ngayon eh… not sure… sabihin ko sa kanya, kung interesado ka.

  2. maganda din ang trabahong writer sana ang mga ibang client mbabait..gusto kong subukang mgwriter para kumita mhirap lng kmi wala akong trbho sana mtulungan nyo ako cp lang gamit ko pwd kya akong mgtrbaho bilang writer na gamit cp lang salamat po!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s