Wow! I got an Award…

Di ako masyadong nagpost nitong nakaraang buwan at umandar na naman ang pangangati ng kamay ko kaya pinalitan ko na naman ang look ng blog ko.. hayyy! OCD talaga.

Unang araw ng October at medyo masakit ang ulo ko. Nabigla ang gising ko kaya ayun.. naalog yata ang utak ko. Kakatamad mag-work.

That’s why it’s such an honor when I found out I am a blog awardee… Sa wakas! hahahaha!

Laking pasasalamat ko ke LizaOnMute sa isang malaking karangalan na iginawad nya sa akin (naks naman! tagalog i-tech… mas nosebleed yata :P).

What’s a Liebster Blog Award?

“This is given to bloggers by bloggers as way of acknowledging each other. Sort of like a pat on the back to say “you’re doing a great job.” It’s also for blogs with 200 or less followers, so it’s one way of spreading the word about the smaller blogs and get them more readers and followers.”

Thank you! Thank you very much… LizaOnMute.

Bilang sagot sa iyong mga katanungan:

1.   Ano ang totoo mong pangalan?                      

It’s Laddie.

2.  Kailan ka nag-umpisang mag-blog?

On and Off since 2004

3.  Nakailang blogsite ka na?

Di ko na matandaan pero eto yung tanda ko:  3  Blogger, 2  WordPress, 1  Yahoo Voices, 1  Helium, 1  Webs.com, 1  Multiply (deleted na), 1  Friendster, 1  Facebook Notes, 1  Definitely Filipino, 1 Factoidz/Knoji

Yung iba dyan paid writing sites. Kasi gusto kong kumita online kaya marami akong sinalihan. Me nagbayad, merong hanggang ngayon sulat pa lang. Most of them are profit sharing kaya kung di ka committed na i-promote ang sulat mo, wala kang bayad.

4.  Anong nagsilbing motivation sayo para magsulat pa rin sa blog mo kahit may time na konti lang ang readers mo?

The blog is my outlet. Syempre nung una, I see it as an earning potential. Pero habang tumatagal, naging journal ko na sya.

Di ko masyadong tinitingnan ang stats – depressing kasi minsan. Mas importante sa akin ang nailabas ko ang saloobin ko. Bonus na kung me bumasa at maka-appreciate.

5.  Anong relationship Status mo? (kahit pang facebook status)

I’m Engaged.

6.  Masaya ka ba sa work mo?

Right now, I’m content. Pero kung merong iba, why not?

7.  Anong pinaka-effective na diet plan para sayo? Or yung gusto mong subukan if may plano ka?

Di ako nagda-diet. I don’t want to deprive myself. Picky eater na nga ako eh, pagbabawalan ko pa. hehehe!

Mag-exercise na lang. Yun pa rin. Effective sya kasi I did loss pounds. Pero di ko na sya tinuloy eh kaya balik sa dating weight. 🙂

8.  Naniniwala ka bang karamihan ng mga writer/blogger ay introvert?

Di lang introvert, matalino pa.. hahahaha!

9.  Anong pangalan ng aso (mga aso) mo kung meron man?

Wala kaming aso.  Sadly! 😦

10.   Anong religion mo at bakit?

Methodist. Namana na lang siguro. Pero eventually, I see myself getting closer to God. Malaki ang naitulong ng religion namin sa faith ko. Kaya I stuck with it.

11.  Sino’ng Favorite Local Celebrity mo?

Sina Vic Sotto and Joey de Leon.

Sa ngayon, I’m going to award this to the following bloggers who have been patient with me and my posts, and whose posts inspire me to write even more… hehehehe!

  1. Kritikong Kiko
  2. The Deranged Writer
  3. Kwentong Tambay
  4. Manila Citizen
  5. Real Dale
  6. Zezil
  7. The Pinoy Site
  8. The Math Teacher Who Also Reads
  9. Kayumangging Damdamin
  10. The Seeker’s Portal

————————————————————-

Special mention po ang mga blog na ito:  Just Wandering, WickedMouth, the Great Maldito, The Book of Daniel Yuson, Sankage Steno at Buco Salad…
Masyado na silang maraming followers kaya parang di na “yata” sila qualified for Liebster. Gayunpaman, salamat sa kanila, kasi pag nababasa ko ang posts nila, makes me want to posts more…

———————————————————-

Para sa mga bloggers na nakalista sa taas, merong konting rules na dapat gawin para maging Official Liebster Awardee:

  • If you receive this award, you are expected to post 11 random facts about yourself in response to the 11 questions from the blogger who nominated you.
  • Write down 11 questions you want your nominees to answer.
  • Make sure you inform the bloggers that they have been nominated.
  • Also, you are not allowed to nominate the blogger / blogs who nominated you.

Posible rin na yung mga nakalista sa taas eh me award na… pero for the sake of katuwaan, pasagot na lang po ng tanong… kung feel nyo pa. 🙂 Eto po ang mga tanong for the awarded bloggers on my list:

  1. Anong work mo? kung meron man.
  2. Bakit ka nagbablog?
  3. Gano ka na katagal nagba-blog?
  4. Ilan ang Facebook friends mo? Figures lang.. no need to indicate who they are.
  5. Anong post mo ang me pinakamaraming views?
  6. Kelan / Anong date yung me pinakamarami kang viewers?
  7. Anong favorite food mo at bakit?
  8. Name 5 of your favorite movies
  9. Favorite outdoor activity mo
  10. When you get a chance, dream vacation mo and where?
  11. Most valuable person and item para sayo. (for the item… pwedeng malaman kung bakit?)

Note:  To the Awardees, this doesn’t mean you need to reply / post something soon.  Take your time. The award is already yours. But it will be official kung nasagot mo na ang tanong ng nagnominate sayo at nakapagnominate ka rin.  Choose wisely! 🙂

Thank you for this award at sa lahat ng nag-organize… 🙂

Advertisements

14 thoughts on “Wow! I got an Award…

  1. congrats, bebekoh, maraming salamat sa pag-nominate sa akin, ako’y nagagalak 😀 subalit ako’y hindi agad makakapag-comply sa rules dahil medyo marami akong ginagawa at ako’y tinatamad (mas malaki ang porsyento ng katamaran).

    maraming maraming salamat, iche-check ko rin ang iba mo pang mga sinulat sa iba mong blogs para matingnan kung may pwede ako i-plagiarize, este, makuhang inspirasyon pala.

    • Salamat sa pagbati, Resident.. Congrats din sayo. Okay lang yan.. lahat tayo tinatamaan ng KATAM-aran.

      salamat po sa pagbabasa rin ng posts ko. ingat ka lang sa ipe-plagiarize mo. hindi man ako ang makadale sayo, tyak me makakapuna nun… hahahahha! see you around and keep posting po.

      I like you your Cybercrime law translation. kaintindi-intindi.. hahaha! 🙂

    • salamat sa pagbisita, tomariz.. thank you rin sa bati. Pareho tayo ng blog theme “blah-g” bloggan din.. 🙂 hahaha! interesting… will read your posts too.. see you around! 🙂

  2. Congrats bebekoh! maraming salamat sa pagpili sa akin. i am so honored..*blah blah blah* 😀
    dito na lang ako sasagot ha. okey lang ba yun?
    well, wala ka na ring magagawa. heto na:

    Anong work mo? kung meron man.
    -Nurse. sa industrial company kaya maraming free time. 😉

    Bakit ka nagbablog?
    -Trip ko lang. 😉 masyado kasing mahaba ang gusto kong isulat. hindi na pwede sa twitter at walang may pakialam sa facebook.

    Gano ka na katagal nagba-blog?
    – 1 month and 20 days na dito sa WP.

    Ilan ang Facebook friends mo? Figures lang.. no need to indicate who they are.
    – 1,344

    Anong post mo ang me pinakamaraming views?
    – maliban sa liebster blog award post, yung late night debate: experiences, mistakes and learning.

    Kelan / Anong date yung me pinakamarami kang viewers?
    – Sept 19, ni raid ni zezil ang blog ko.

    Anong favorite food mo at bakit?
    – Shrimp! basta may shrimp! kasi pinaglihi daw ako dun.

    Name 5 of your favorite movies
    – My Amnesia Girl, 3 idiots, Charlotte’s web, Saw, The Hunger Games

    Favorite outdoor activity mo
    – Swimming [kahit weak swimmer ako]

    When you get a chance, dream vacation mo and where?
    – 1 week all expense tour sa Bohol. Ang lapit lang hindi ko pa mapuntahan.

    Congrats again! keep blogging! 😀

    • Salamat po sa pagbati… Salamat din sa prompt reply. Pwede naman pong sagutin yung tanong dito sa “reply box” (as if i have a choice.. nasagutan na nga eh) hahahahha!

      ang dami mo palang Facebook friends… 🙂 grabe! di ko carry yung ganyan kadami.. lalo na at karamihan sa kanila, di ko kilala! 😦

      btw, you forgot to answer number 11 question. but that’s okay…

      Salamat ulit sa pagbati and Congrats din sayo… 🙂 thanks for liking the page and keep posting! 🙂

      • 1344 and decreasing… 🙂 nagdedelete na ako ng mga hindi kakilala at magcha-chat lang “pls like this pic”. hahaha

        pasaway talaga eh ano?. Heto na ang hindi nasama sa copy paste. pasensya. 😀

        Most valuable person and item para sayo. (for the item… pwedeng malaman kung bakit?)
        – person: si mama. mama’s boy ako. medyo aloof si papa eh. KJ.
        -item: sa ngayon, cellphone cguro. to connect with loved ones. 😀

      • hahaha! nakumpleto rin.. okay lang yan.. meron talagang time na di nakaya ng mouse yung mga ika-copy.

        – mama’s boy ka.. naks naman.. im close to my mom too.
        – Cellphone.. hmmm… i think everyone can say it is… 🙂

        salamat sa reply.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s