Don’t Say Bad Words….

Timing yata ang pagsulat ko tungkol sa maturity. After nun kasi, naging controversial na yung bagong bill… “anti-cyber crime” bill.. kung san kasama daw ang cyberbullying, libel, etc. sa mga considered na cyber crime.

Nakakatawa ang mga parody. At iba ibang version nila ng pagkakaintindi sa new bill. Pero me mga punto nga naman sila. Mahirap kasi talagang i-define ang mga crimes, although, karamihan sa kanila ay self-explanatory.

Isa sa mga confusing na kasama sa bill na ito ay ang Libel. How did libel get there? Does that mean you cannot mock the person anymore even if they suck at acting? Or they basically did something really stupid… you still can’t react?

Nakakatawa, masyadong broad ang sakop ng libel kaya parang mahirap yatang maintindihan kung ano ang matatawag mong libel sa mga social networking sites. Sabi nila, di naman daw kasama ang mga celebrities, politicians at public figure sa “libel”… di “daw” sila pwedeng magdemanda ng libel sa mga sinusulat tungkol sa kanila sa internet.. like blogs and social network media.

Aminin man natin o hindi, masakit pa rin kapag nagpakaisahan ka na. Kung yun ngang mga salitang binitiwan mo, masakit na… what more kung forever mo pang makikita yun dahil nakasulat sya everywhere.

Siguro ang magagawa na lang natin ay piliin ang mga salita natin at maging responsible talaga sa mga actions natin. Maging sensitive sa damdamin ng iba. Kahit na me kabulastugan silang ginawa, kelangan pa rin nating isipin ang mga sasabihin natin. Tirahin na lang natin ang ginawa nila, wag na ang pagkatao nila… sort of speak.

Lahat naman tayo nagkakamali. Kaya mag-ingat na lang tayo sa mga sasabihin at isusulat natin.

Advertisements

5 thoughts on “Don’t Say Bad Words….

  1. Sobrang confusing yang bill na yan. Malilimitahan ang pag-voice out ng opinion ng mga tao. Para sa akin, kung ayaw mong masabihan ng hindi maganda eh di wag kang gumawa ng hindi maganda. Magkakaroon ba ng pangit na opinion ang maraming tao kung maganda naman ang ginagawa mo? At cyberbullying bang matatawag kung umani ka ng batikos dahil sa mali mong ginawa, for example Carabuena…? Cyberubullying siguro kung ang target eh inosenteng tao, pero kung ang target ng pangit na criticisms ay taong may maling ginawa, then he had it coming.

    • “Carabuena”… you are right, he had it coming. Di rin ako masyadong touch sa public apology nya. it looked insincere. sa TV pa lang, katakot-takot na ang inabot nya, what more sa internet.

      Bullied? yes, he probably is. karamihan kasi sa mga na post ay below-the-belt na talaga, intrusive at hurtful. Mabasa mo lang, talagang maawa ka sa kanya kahit na di naman dapat because he really did something wrong. pati kasi family nya, nadamay. He probably couldn’t get out of the house without being mocked, cursed or pointed at.

      Ganun lang siguro ang nais ng bill na ito. maging responsible sa actions at mga sinasabi natin. Tama ka! kung di ka gagawa ng katangahan, walang masasabi ang tao sayo. Ganun din siguro sa mga sinusulat natin. if you say or write something stupid, di ka rin ba nila titirahin? people will grill you. Ito pa tuloy ang naging kasiraan natin. Example, the girl who posted on facebook (in conyotic way) about being safe in another country while the Philippines is devastated by Ondoy (or was it something else?). Tama ba yun? yun ang libel.. be careful sa sinasabi mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s