Home Alone… Usapang katatakutan

Di naman ako yung tipong tinatakot ang sarili pero ngayong summer, mag-isa lang ako sa bahay. Nakabakasyon ang nanay at brother ko, while my dad is assigned in the province. Kaya sa capital, ako lang mag-isa.

Di naman ako kabado. Una, me driver’s license na ako kaya makakapunta naman ako anywhere, unlike nung wala pa, sayang ang sasakyan, di magamit. Yun nga lang di pa rin maiwasan ng ibang tao na mag-alala para sa akin dahil alam nilang palagi akong me kasama.

Sinabi ko naman sa kanila, di ito ang unang beses na maiwan akong mag-isa sa capital ng bansang pinagtatrabahuhan ko. Yung iba nga, lakasan ng loob na magpunta talaga ng mag-isa lang sila, para talaga kumita. Kaya naman di ako ganun ka-worried na mag-isa lang ako sa bahay at sa capital.

Yun nga lang, kung paranormal ang pag-uusapan, iba na yun. Sabi kasi nila medyo sensitive daw ako sa presences at kung yun rin lang naman, marami akong nararamdaman.

Di lang isang beses akong nakaramdam ng kakaiba sa bahay namin ngayon, o sa dati pa naming naging bahay. Sa mga taong inilagi ko dito, 3 beses na kaming lumipat ng bahay, at lahat, merong presence. Merong di ganun kalakas, merong nagpapparamdam talaga.

Pano ko nalaman meron? Iba ang vibe… dun naman daw nag-uumpisa eh.  Aminado ako na kahit sa ‘pinas, malakas na ang pakiramdam ko sa mga presences. Di ko nga lang sila nakikita. Dati, alam ko kung merong kakaiba sa bahay kahit nun ko pa lang napuntahan… ika nga, iba talaga ang vibe.

Kaya ng malipat ako overseas, akala ko mawawala din yun. Syempre me mga beliefs din naman ang mga tao kahit san. Pero di ko inaasahan na agad ko itong mararamdaman.

First House:  Kadarating ko lang nun…. As in galing pa ako ng airport. First time over 5 years, I came back here and finally decide to work. Pagod ako sa byahe kaya pinagbihis at pinatulog na ako ng nanay ko. Sa paghiga ko, meron akong nakitang anino na nakatingin sa akin. Akala ko namalikmata lang ako. Pero habang tumatagal kami dun sa bahay, mas malakas na… merong batang naglalaro, maingay na usapan… at nung malapit na kaming lumipat ng bahay, meron pang tumabi sa kama ko at hinalikan ako para magpaalam. Scary.. Of course it is.

First Office / Company:  CR ang laging target… cliche as it seems pero sa CR ko mas nararamdaman ang presence sa dati kong pinagtatrabahuhan. Sorry… wala ng ibang lugar eh.

Second House:  Nakikita ko ang sinag ng ilaw sa siwang ng pintuan. Dahil dun, alam ko kung merong dumaan kasi biglang nagkaka-anino. Ganun ang madalas kong maramdaman. Meron akong naririnig na nanood ng TV, gayong pag chineck ko ang Sala, patay naman ang TV. Meron din akong naririnig na yabag sa corridor. Pero hanggang dun lang. di naman nila kami ginagambala, kaya, wala lang.

Isa pa pala sa napansin ko, sa una at pangalawang bahay na tinirhan ko (kasi mas matagal ang parents ko dito at nakailang lipat na rin sila), di ako pwedeng matulog sa sofa. Madalas akong magkasleep paralysis. Meron pang parang me nakahawak sa akin kaya simula nun, di na ako natutulog sa sofa, kahit idlip lang at me sakit ako.

Current Office / Company:  I work in a hospital. At kahit kanino ka magtanong, maraming mga kababalaghan daw talaga sa ospital. Sa office namin, me 3 computer and keyboard na medyo maingay pag tinipak. Yun nga lang… kahit walang tao, me nagtitipak ng keyboard. Yung ibang di nakakaalam, akala nasa office kami ng kasamahan ko, pero kami, alam namin na hindi.

Current House:  Sabi ko nga iba ang vibe. pero homey naman yun lugar. Pero sa mga unang buwan namin dun, nanaginip ako. Meron daw isang matandang babae na gusto kaming paalisin sa bahay kasi daw maingay kami. Of course, panaginip yun, magagawa mo kahit ano dun. Kaya pag gising ko, lalo kong nilakasan ang TV at radio namin… hahaha! Pero bukod sa panaginip, pinalalakas lang nya yung presence nya.. di naman nanggagambala. Alaga naman namin yung bahay eh.

Do I still want to be home alone? Of course. Mas malakas at makapangyarihan ang Diyos over those things. Bukod dun di naman kami ginagambala, so I really don’t mind.

Iba pa rin ang perks ng mag-isa… independence, presence of mind, ability to stick to the budget, household chores on-hold (LOL!)… syempre di ba.

Akin lang, always ask God for his protection and guidance over all of us. He will give us wisdom, security and protection. Evil has no power over us as long as we have God.

Advertisements

4 thoughts on “Home Alone… Usapang katatakutan

    • i also thought inactive ang 6th sense ko. thankful na rin ako kasi di ko sila nakikita. kung nakita ko man, matagal na yun… ayoko na ulit sila makita.. hehehe

  1. “Akin lang, always ask God for his protection and guidance over all of us. He will give us wisdom, security and protection. Evil has no power over us as long as we have God”

    – Amen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s