‘Pag tinamaan ng Katam(aran)

Di ako masyadong nakakatutok sa blog maliban na lang sa usual or regular na pinopost ko katulad ng blog reviews. Marami akong gustong sabihin pero di ko maisulat. Tanda lang na medyo wala ako sa mood.  Siguro nga tinamaan lang ng katam…

Medyo makulimlim nung mga nakaraang araw din. Umulan pa nga which is  unusual sa mideast. Pero habang nagtatagal ako dito, di na ito nakakagulat. Unang tungtong ko dito, walang ulan… tapos naging, once a year… tapos naging twice a year… at ngayon nga, naging twice a year, more than 3 days pa.

Dahil na rin siguro sa weather kaya nawala ang mood ko sa pagsulat. Dagdag pa ang mga di kanais-nais na pakiramdam ko. Nandyan yung pakiramdam ko me Kidney stones ako… o kaya naman Spastic colon (di ko alam kung ano yun eh… igoogle nyo na lang). Lahat ‘to di ko papangarapin magkaron kayo. Mahirap. Palaging masakit ang tyan ko at di matimpla ang hilatsa ng mukha ko. Ganun katindi.

Pero kung ano man ang dahilan at di ako masyadong nakakapagsulat… at least ngayon, alam kong kelangan. Maraming pending ideas, pero wala ni isa dun ang natapos ko. Well, babalik din ang mood ko. In the meantime, I’ll just savor the “mood” I have today. Eventually, I will come up with a knock-down posts and everybody will read it… as if! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s