Movies based on Novels I’ve Read

Di ako masyadong mahilig magbasa… ng mga nobela. Masyado kasing mahaba at me tendency na mainip ako. Yung iba naman, binabasa ko pero di ko tinatapos.. heheheh! :))

So kung pagbabasa rin lang ang pag-uusapan.. pag nahilig ako, ayoko naman tigilan. Marami na rin akong nabasa, yung iba di naman ginawang pelikula. So ano yung mga novels nabasa ko na, na ginawang pelikula.

1.  The Da Vinci Code – Dahil nga sa medyo disappointed ako sa movie, di ko na pinanood ng maayos. Sobrang edited, di ko na maintindihan masyado ang istorya ng movie. Kaya, okay na ako sa book.

2.  Angels and Demons – dahil nga sa disappointed ako sa mga movie adaptations ng books, di ko na pinanood ang movie na ito.

3.  Harry Potter and the Sorcerer’s (Philosopher’s) Stone  – nabasa ko ito ng buo and napanood ko rin lahat ng Harry Potter movies. Napanood ko kasi muna lahat ng movie bago ako nagbasa ng books. Nakatamaran ko na tuloy basahin pa yung iba… kasi naman, dami ring putol eh.

4.  Twilight, New Moon, Eclipse, Breaking Dawn (Twilight Saga) – eto talagang super disappointed ako… bukod dun, walang kabuhay-buhay ang mga actors and actresses… as in! ang ko-corny nila. Kaya ako sa inyo, basahin nyo na lang yung libro kahit wala rin masyadong sense… mas maaappreciate nyo pa rin ang book kesa sa movie.  Ewan ko ba… di pumili ng magaling na actresses… and korni umarte! bwisit!

mga books na dapat babasahin ko na di ko tinuloy na naging movie:

1.      The Runaway Jury

2.      Percy Jackson and the Olympians, the Lightning Thief

3.      The Chronicles of Narnia – all

4.      The rest of the Harry Potter Series

5.      The Lord of the Rings – trilogy

6.      The Notebook – Nicholas Spark

7.      P.S. I love you

8.      Pride and Prejudice

9.      Sense and Sensibility

10.  The Hunger Games (for download pa)

Most of the books I have are ebook versions. Kaya nababasa ko sya anywhere basta dala ko yung iTouch ko or nasa harap ako ng computer.

So kung di man ako magbasa ng blog, nagbabasa na lang ako ng books or nanood ng TV.  🙂

Sulat ko na lang dito ang mga List of books for reading ko.. pending.. depende sa mood ko.. hahahaha! :))

Saya!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s