Kilala nyo ba si Jimmy Sieczka?

Andaming lumabas na hate post tungkol sa kanya. Masyado daw nya kasing kinutya ang Pilipinas. At tayo bilang Pinoy, ayun, sobrang sensitive, tinira sya masyado.

Si Jimmy ang host dun sa sponsored video ng ChannelFix about “20 things I dislike about the Philippines”. Ilang beses ko ring napanood yung video. But not enough to consider the “nth” time.  Siguro naka-tatlong panood lang naman ako.. hehehe! :))

Pagkalabas ng video… ayun dami ng nagalit sa kanya. Merong mga nagsasabing:

“why are you still there? If you hate the Philippines so much, why don’t you leave?” – not exactly those words but something to that context – me kasama pang mura.

Alam nyo naman, masyadong sensitive ang Pinoy pag ang issue eh pangungutya sa bansa natin or sa kaugalian natin.

Tanong lang, bakit ba tayo galit sa kanya? Siguro sila… pero di naman ako galit ke Jimmy. Balat-sibuyas lang talaga karamihan sa ating mga Pinoy. Kung tutuusin, yung mga sinabi naman nya sa video, araw-araw na nating nae-encounter, pero pag ibang lahi ang namuna, puputaktihin natin sya ng kutya. To the extent, na personalin pa natin sya.

Seriously, people! There are a lot more issues concerning the country that we need to focus on – not Jimmy. Sa katunayan, mas matindi pa rin ang pagkagusto nya sa ‘Pinas kesa sa pagka-inis nya. Di sya tatagal ng 3 taon sa ‘Pinas kung di nya gusto dun.

Isa pa, karamihan naman sa sinabi nya dun sa video, totoo. Nakakatawa pa nga ang pagkakasabi nya. The video’s actually witty. Furthermore, ChannelFix also posted “20 things I like about the Philippines”. So meron din silang counterpost. Di lang negative. Iba nga lang ang host dun.

Di lang talaga maalis sa mga lahing ito ang magmura. Sino ba ang fina-“F**k” nila at di nila maalis sa lahat ng sentences nila? Parang di buo ang sinabi nila kung wala yung word na “F**K”… What the f*ck is that?

Sa akin lang, pagtawanan na lang natin ang mga kapansin-pansin sa ‘Pinas. Wala naman tayong nagawa para baguhin yun eh. Di ko naman sinasabing wag nating baguhin at wag tayong magbago. Pero imbes na paghimutukan natin si Jimmy dahil sa mga kapansin-pansin sa atin.. baguhin na lang natin. Kahit pa-isa-isa.

At the end of the day, Jimmy still likes the Philippines. Otherwise, he wouldn’t stay there for 3 years. If he is really miserable there, he wouldn’t last that long. Mind you, Jimmy is in Cebu… what more if he goes to Manila. Ano na lang kaya ang maririnig natin sa kanya? Kung tutuusin, edited pa yung video, tyak na di lang yun ang mga pinaggagawa nya at napansin nya.

Just try to see this video as a wake up call. Laugh it out. Don’t take it personally. He’s not attacking the Philippines and the Filipinos in general. It’s basically more of his observation. Nothing else. Tayo rin naman ganyan sa mga bansa o lugar na pinupuntahan natin. Meron din naman tayong nakikitang pangit. Ganun din sya. Hayaan nyo na lang si Jimmy. Isipin na lang natin, di kawalan sa atin ang anumang sinabi nya. Sya ba ang nagpapalamon sa atin? Obviously not!

To watch the video,  here’s the link:  http://channelfix.com/video/174/

Advertisements

5 thoughts on “Kilala nyo ba si Jimmy Sieczka?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s