Contact Lenses

Nakakainis! It had been days since the last time I wore my contacts. And dahil monthlies ang ginagamit kong contacts, it’s still wearable. Ang masama, dahil nga sa ilang araw na akong di nagsusuot ng contacts, malabo na ang dating ng contacts sa akin. Kelangan ko lang siguro ng konting adjustments.

It was November 2009 when I first started wearing glasses. Di ko kasi pinapansin ang paglabo ng mata ko. Sa katunayan, matagal ng malabo ang paningin ko pero di pa rin ako nagsalamin. Kahit ilang metro lang naman ang layo sa akin ng mga tao sa harap ko, di ko na maaninag ang mukha nila. Sobrang blurry na.

Kaya naman nung finally mag-decide akong magsalamin, ayun 100/100 na pala ang vision ko. Hirap! Ngayon, di ako makaalis, makagawa o makakilos ng walang salamin. Kaya naman pinilit kong matutong mag-contacts.

Hindi pala madali maglagay ng contacts. Nakaisang oras ako sa paglalagay at puro luha na ako, pero di pa rin nalalagay ang contacts… sa isang mata pa lang yun… 😦

Ilang araw bago ko kahit papano na-manage ilagay ang contacts sa mga mata ko ng less than 15 minutes. 😛 hahaha!

Thankful ako sa mga nag-imbento ng contacts. Laking ginhawa rin kasi ng contacts. Una sa lahat, mabilis lumabo ang salamin dahil sa dumi. At kahit anong punas, hugas at linis ang gawin ko, sandali lang talaga, madumi na ulit.

Ang contacts naman… sa umpisa lang mahirap magsuot. Pag nakasanayan mo na, madali ng maglagay. Maginhawa kasi di ko na kelangan magsuot ng salamin palagi. Kelangan ko rin alagaan nga lang sa contact solutions.

Akala ko nung una, ako lang sa mga kaibigan ko ang nakasalamin. Yun pala, halos lahat pala sila. At nungka, mas mataas ang grado nila kesa sa akin. Merong 250/225, 350/400, 450/450 at 500/600… grabe.. Talagang bulag na sila kung walang salamin.

Again, thankful pa rin ako kasi di ganun kalabo ang mata ko. Karamihan nga lang ng mga friends ko, naka-contacts. Bilang lang ang mga nakasalamin. Kaya rin siguro akala ko di malabo ang mga mata nila. Naka-clear prescription contact lenses pala sila. Napanood ko pa nga yung isa kong friend maglagay ng contacts. Grabe! di na humaharap sa salamin. Isang pasukan lang sa mata, swak na. Di ko siguro kaya yun!

Di rin malabo na lalong lumabo ang mata ko (ang labo naman!). Palagi akong nakaharap sa computer.. kasama sa trabaho eh. Kaya prayer ko lang din, di na lumabo pa lalo ang mata ko. And thank God for the contact lenses.

Advertisements

2 thoughts on “Contact Lenses

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s