Dilemmas in Job Hunting

Hirap talagang humanap ng trabaho ngayon. Kahit nga me degree ka… as in bachelor’s degree, di pa rin yung guarantee na magkakaron ka ng magandang trabaho. Magkaron ka man ng napaka-solid work background, mahirap din, kasi mataas na ang demand mo sa salary.. hayy!

I have never worked in a call center. don’t get me wrong. I have tons of friends in call center industry. sabi kasi nila, eto raw kasi ang maraming opportunities.

I have also gone through the process of rejection. meron syempre medyo nakakadismaya. pero kasama yun sa job hunting.

di naman ganun kadami ang inaapplyan ko. sa katunayan, targeted ang mga applications ko. talagang base lahat sa qualifications, experience and skills ko. Kung di ko alam, di ko applyan. ganun ako. I don’t mean to brag but most of the companies i have applied have considered my qualifications, offered me the position, pero ako na lang ang tumanggi.

here are some of the suggestions i guess you may want to consider, nasa iyo kung gusto mong sundin o hindi… but mind you, they are very much effective. done this several times – even abroad.

I am currently working directly with the head of the department and dumarating ang times na me mga applicants na pinapasa sa akin. eto yung sa tingin ko applicable for job hunting.

–  Unang una kasing tinitingnan sa applicant eh yung resume / CV. I make sure na maayos ang CV ko – aligned, formatted, easy to understand and most of all, impeccable English. sabi nila para maimpress. be mindful of your spelling. Maraming sites na pwedeng paggayahan ng CV. tingnan nyo na lang.

–  Once they have considered my application based on the CV, nandyan na yung interview or meeting. Yung iba dinadaan muna sa telephone interview. Gandahan ang boses and be assertive. Di ka nila kakainin. Wala sila sa harap mo. Magsalita ng maayos.

–  Syempre, nandun muna yung examination and IQ test. Kung kelangang mag-review ka, gawin mo. Research also the company. Minsan kasi, base dun ang exam. Mapa-pinas or ibang bansa.

–  Interview. Be it telephone or face-to-face or panel, be confident. It’s natural to be nervous pero kelangan nandun pa rin na assertive ka. You have to let them know why you are the most suitable candidate for the job and bigyan mo sila ng “you will not take ‘no’ for an answer” look.. hahahha! :)) di naman.. pero mas maganda kasing makita nila na confident ka, meaning kaya mong gawin ang trabaho.

–  be honest. Kung ano ang tinanong, answer truthfully. Mabuti nga yung sabihin mo na sa kanila upfront kung ano yung dapat nilang malaman. Pero nasa iyo kung ano pa rin ang gusto mong idisclose.

SUGGESTION:  if they ask you in English, answer in English. Kung Tagalog, answer in Tagalog. Practice ka rin ng English.. especially pronunciation.

–  Dress to impress. Wag naman yung mukhang gusgusin. parang di ka seryoso magkakita ng trabaho. Parang awa nyo na… wag kayong t-shirt lang at maong pants.. kahit pa sabihing casual attire ang dress code.

So far, yun yung mga effective na nagamit ko for job hunting. Like I said, targeted ang mga applications ko. I make sure na highlighted ang mga skills and background ko. Pero, make room pa rin for improvements and rejections. It’s all part of job hunting. Di naman lahat qualified tayo eh.

Kung meron pa kayong skills kahit di officially work experience, pero magaling kayo dun, like drawing, painting, web designing, isulat nyo. You’ll never know when you need it.

I remembered I applied as a graphic artist. Pero dahil me background ako sa administration and accounting, kinuha nila ako. Seasonal kasi ang graphic design jobs and kelangan nila ng office assistant. kaya considered kaagad ako… oh diba?

try nyo. wag din kayong huminto sa pag-aaral. kaya me internet. gamitin nyo yun. maraming libre sa internet. pag-aralan nyo lahat yun at ilagay sa resume nyo. effective lahat yun! 😛

 

P.S. medyo tinatamad na akong mag-edit kaya di na initial caps ang mga sentences ko… pagdamutan nyo na lang po! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s