Crazyness… :P

Di ko naman sinasabi na ibaling na lang natin lahat sa panahon o sa nararamdaman natin ang mood natin.  Pero di ko talaga maintindihan. Mainit ang dugo ko ng mga nakaraang araw at palaging tinatamad.

Sa totoo lang, walang masyadong trabaho dito sa office. Di na kami ganun ka-busy simula ng magpalit ng amo. Kaya lang, pagka talaga dumating na ang “time of the month” kahit anong pagpipigil ko sa sarili ko, nangigigil pa rin ako.

Ewan ko sa ibang babae na dumadaan sa ganito kada buwan, pero ako, mainitin talaga ang ulo ko. Minsan nabubulyawan ko ang mga kasamahan ko dahil lang iniistorbo nila, gayung trabaho ko naman ang pinagagawa nila. Pati yung iba naming mga amo, napapansin. Kelangan ba talaga ipasa sa “monthly visitor” ang dahilan ng iyong mood?

Para sa akin kasi (at information na rin sa mga lalaki), eto ang madalas kong pagdaan pag malapit ng dumating ang “monthly visitor” (PMS):

–  Moody.  Ako na ang nagsasabi sa inyo, kahit anong pigil nyo, moody pa rin kayo. Lumayo-layo na kayo sa mga babaing ganito. Alam nyo na ang ibig sabihin nito. Madaling uminit talaga ang ulo nila. Hormonal daw.

–  Cramps. Stomach cramps or pre-menstrual cramps.  Di ako pinapatulog nito. Dagdag pa na hindi ako masyadong nakakapag-exercise, kaya lalong lumala ito. Effective kasi na pampabawas o pampawala ng cramps ang exercise.

–  Matakaw. At least ako ha. Pala kain ako. Di ko alam kung bakit.

–  Chocolate lover. Ako napapansin ko talaga ito. Pag malapit na ang bisita, naghahanap ako ng chocolate. Kung wala, kahit ano basta sweet. Kaya para mawala ang inis ng mga babaing ganito sa inyo, bigyan nyo na lang ng chocolate.

–  Something physical. Kelangan bang sabihin ito. Minsan kasi parang di na appropriate. Mga babae na lang ang nakakaalam kung anong physical na pagbabago ang nagaganap every month sa kanila.

 

Nakakabaliw di ba? Dagdag pa na buwan-buwan mo itong nararanasan, ang hirap. Minsan tuloy gusto kong hilingin na mawala na ito. Matapos na… pero matagal pa daw eh!  Sige na nga, titiisin ko na lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s