It’s rude to stare

Natatawa na lang ako ‘pag naaalala ko ang mga katagang ito. Totoo nga naman. Bakit kelangan mong tumitig?

Madalas kasi napapansin ko, mapa-babae o lalake, di maiwasang tumitig. Tulad kang girley-ley, syempre, me pagkakataon na humahanga ako sa mga lalaking (tunay na lalaki ha!) na biniyayaan ng taglay na kagwapuhan. At syempre, ganun din ang gagawin ng mga lalake pag nakakakita ng naggagandahang babae.

Masama ba talagang tumitig? Kelan ba pwedeng tumitig?

Nakikipagtitigan ako kapag rude ‘yung tao, tapos sila pa yung galit. Kapal ng fez. Feeling nila pinagkaka-isahan sila. Haller! Ngayon, rude ba yun?

What made me say that? Hmmm… a few years ago, nadelay ang flight namin (co-passengers) papuntang ‘pinas.

Background ng istorya:  Madaling araw supposed to be ang flight. Masyado daw kasing foggy kaya di lumipad ang eroplano. They let us outside the airport, stayed in a hotel, and came back that night.

Nang makabalik kami, sabay sabay na mga nakapag-check in. And since, singit lang kami sa ibang airline, medyo nagkaron ng slight but manageable aberya.

Kaharap ko sa waiting area ang isang Caucasian na lalaki (i guess he’s Brit). Umalis ako sandali para mag-CR. Pagbalik ko, sabi ng katabi ko (Pinay sya), kinuha daw nung lalaki yung mineral water bottle ko at ininom, tapos, pinapatungan pa nya ng paa nya ang upuan ko, which is just in front of him. Sabi ko na lang, hayaan na lang ang tubig, kanya na. Nawa mahawa sa sipon ko! hahahaha!

Nung time na ‘yung katabi ko namang Pinay ang umalis sa pwesto nya, ganun din ang ginawa nung guy. Napatitig ako sa kanya… at sya pa talaga ang me ganang tanungin ako ng “what?!”… aba! china-challenge ako ha! Di naman ako nagpatalo, sabi ko “Nothing, I’m just looking at you…” then, he shut up.

Pagbalik ng kasama ko, sinabi ko rin sa kanya yung ginawa ng guy at pati sya napatitig sa guy. Di lumaon napansin ng mga co-delayed passengers namin na irita kami ng katabi ko. Sinabi namin ang dahilan. Nagparinig sya in Tagalog.. “Buti na lang me pera akong pambili ng tubig, di ako poor tulad nya” and we laughed out loud.

Gigil na gigil na nakatitig sa akin yung guy. Ako kasi ang pinakamalakas na tumawa at alam nyang sya ang pinagtatawanan namin. Kapal talaga ng fez. Nagku-curse pa sya… so what! keber ko? Go back to your country, dude and learn some manners!

Nakikipag-titigan ako para malaman nilang sincere ako. Dala na rin siguro ng matinding paghanga sa mga kausap ko, I always make eye-contact… never stare.. pero napupunta dun eh.. hahahah!

Nakikipagtitigan ako sa mga crush ko. Kahit na me Bf ako (hahaha!) me mga crushes pa rin ako. Alam naman ni Bf yun. And alam nya na hanggang dun lang.

Anyway, I usually do that para malaman nila na just because I have this crush on them, doesn’t mean they can’t take me seriously. Me ibubuga naman ako. And eventually, nawawala naman ang pagka-crush ko.. kaya nga crush eh.

Nakikipagtitigan ako para malaman nilang love ko sila. Hahaha! Ke Bf ko lang naman ito ginagawa. Isa pa, nababasa ko rin sa mga sangkaterbang romance novel. So meaning, di lang ako.. LOL!

 

When is it rude to stare? Para sa akin ha! Ewan ko sa inyo…

Rude kapag:

–  Me kapansanan yung isang taong tinitigan.

–  Me muta ang kaharap mo pero di mo masabi.

–  Me matching taas-kilay pa… what’s that for?

–  Napapanganga ka pati… sorry, dala lang ng matinding paghanga. pagbigyan nyo na ako.

–  Manyak na ang dating ng titig mo… grouse!

–  Di mo binaba yung tingin mo kahit na tinitigan ka na rin ng titigan mo… whew! mouthful. Kung ikaw ang tumititig at wala kang pakay, wag ka na makipagtitigan, rude yun… para sa akin ha!

Bahala na kayo kung ano ang gusto nyong isipin. Basta ako, me pagkakataon na okay lang makipagtitigan, merong kelangan ng yumuko. Wag tayong airheads, okay? This isn’t about the ego.

Alam nyo naman kung kelan petty lang… ‘wag ng patulan.

 

Eg. MRT Scene

Siksikan sa loob ng MRT. Marami na ang nakatayo na lang. 2 sa mga lalaking ito ang di naiwasang napatingin sa isa’t isa. Although, walang ibig sabihin, minasama nung isa sa kanila. Biglang banat ng:

Guy 1:  anong tini-tingin-tingin mo dyan?

Guy 2:  Ano kamo?

Guy 1:  anong tini-tingin-tingin mo dyan?

Guy 2:  Di naman ako nakatingin sa’yo. Ikaw nga ‘tong nakatingin sa akin.

Mind you, they’re doing this in front of me… at least 3 more passengers.

Nakaalis na ang mga pasahero sa pagitan nila, di pa rin nila inaalis ang tingin sa isa’t isa. Masama na ‘to. Nung finally, sila na lang dalawa, nagharapan pa sila at nagtitigan. Buti na lang nagmagandang loob ang katabi ko.. hahahah!

Ale:  “Tama na ‘yan. Magpapasko pa naman tapos nag-aaway kayo..” (oo nga pala, it was almost Christmas).

Guy 2:  “Sya nga po itong nang-aaway eh. Wala naman akong ginagawa sa kanya.”

Ale:  “Kaya nga, wag mo lang pansinin. Alam kong ikaw ang mas nakakaintindi, hayaan mo na lang sya.”

Isa pang nagmagandang loob eh ang lalaki na katabi nung ale… on the ale’s left… ako kasi ang nasa right nya.

Anyway, nakalabas na kami at tingin ko naman na humupa na ang hidwaan dun sa dalawang ewan.. hahahah!

Advertisements

3 thoughts on “It’s rude to stare

  1. Enjoyed this post! Di ko rin kasi mapigilang tumitig e. Dati haha, di ko napansin, nakatitig na pala ko sa kausap ko (yung crush ko) seatmate ko kasi siya. May sinasabi siya pero di ko na naririnig. I just marvel at his lovely face. Maya maya, pinitik pitik nya yung kamay nya, sabi nya, “Uy…uhm, ok ka lang?”…..Hahaha.kakahiya!Siya kasi e. Hahaha

    Yung first part, aba! Buset yun a! Buti tumawa ka! Yaan mo syang ma piss op! Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s