Mga Pagkakakitaan

Share ko lang sa inyo.

Isa sa mga dahilan kaya gusto kong ipagpatuloy ang pagsusulat ay para magkaron ng pagkakakitaan. Kahit na sabihin na nating ‘di pa pang professional ang pagsusulat ko, meron naman kahit papanong nagkamali at naisip na pwede ng pagtyagaan ang sulat ko.

Mind you, pag nagsulat ako, syempre iniisip kong galingan, lalo na kung pagkakakitaan ang pag-uusapan. Iba na kasing level yung tipong binabayaran ka para magsulat. Bilib nga ako sa iba eh, nagagawa nila ang gusto nila at binabayaran pa sila.

Sige na, di nga lahat. Sa katunayan di ganun kadaling iexplore o i-penetrate ang industriya ng pagsusulat. Marami kasing rejections. At hindi ako ganun kagaling sa pag-handle ng rejections. Dinidibdib ko kasi.

Anyway, maraming pwedeng gawin para kumita ka sa pagsusulat. Katulad ng:

Ads / Advertisement. Kung meron ka ng blog, katulad nito, pa-rehistro ka sa Google adsense. Di nga lang ganun kadali ma-approve dun. Una, mas maganda kung ang blog mo eh mula rin sa Google (you know!… Blogger) – preferably. Bukod dun, kelangan walang halong kabulastugan or explicit content ang blog mo. Sabi nila. Kaya medyo hirap yung iba na ma-approve.

Ano- ano yung adsites? Try bidversite, adbrite, ppc sites, nuffnang, Google Adsense, etc. Kung gusto mo naman, ikaw na lang ang maghanap ng gusto mong mag-advertise sa site mo. Di ko pa masyadong tinutukan yun pero malay natin, pwede rin naman nating gawin yun eh.

Reviewer. Merong mga magazines and websites na naghahanap ng reviewer. Hindi ito limitado sa mga gadgets lang, pwede kahit anong produkto. Kahit pa sabong pampaligo. Merong isang site na nagbabayad ng mga reviewers.

Meron akong kakilala, mahilig syang mag-restaurant hopping, kaya naman nire-review nya ang mga pagkain sa mga restaurants na yun. Sa sobrang bilib ng mga restaurant owners sa kanya, lagi syang me discount sa mga restaurants… hayy.. kakainggit. Di kasi ako mahilig kumain, at mapili din ako sa pagkain. Kaya di yata maganda. Anyway, isa lang yun as mga example.

Article writer / blogger. Di ito yung free blog site ha. As in writer ng posts sa mga blogs or websites. Pwedeng company websites na me blog at syempre ang topics about the products or services nila. Yun ang isusulat mo. Medyo boring pero sayang ang bayad.

Yan kasi ang trabaho ko ngayon. Hirap kasi ako kung di ko gusto minsan ang topic. So far, wala pa namang bumabalik na article ko, meaning pasado sa kanila. Ghost writer na rin ang dating kasi di ako acknowledged dun. Nakita ko na yung links sa iba kong mga sinulat. Pero mas magandang sa kanila na lang. After all, binayaran naman nila ako para isulat yun.

Masaya na rin ako kasi kahit papano napagkakakitaan ko ang pagsusulat ko. Di man ganun kalaki, at least meron. Kayo! Pano kayo kumikita sa pagsusulat nyo?

Advertisements

One thought on “Mga Pagkakakitaan

  1. Hindi ako kumikita sa blog e. May adsense ako saka nuffnang pero konti lang ang blog stats ko kaya walang earnings. Interesado ako kung paano kumita kaso hindi ko lang alam kung paano. Thanks sa tips!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s