Chatting

Sa dami ng messengers ngayon, kahit na nakablock pa yung site ng messenger, makakapag-chat ka pa rin. Dahil sa parte na rin ng buhay namin ang chatting, di pwedeng lumampas ang araw ng walang chatting. Palaging bukas ang Facebook ko kahit sa office. Di naman nakablock eh. At may chatting privileges din.

Kaya naman, pag me pagkakataon na walang trabaho, ayun! nasa chat na. Malalaman mo yun. Pano naman, walang trabaho, pero maingay ang keyboard. Eh di obvious na me kachat. Me sumisipol pa kapag biglang me pumasok na chat message na di mo kaagad natingnan.

Blessed ako sa trabaho ko kasi mababait at di mahigpit ang mga boss ko. Kahit pa nga nakita na nya ang facebook profile page ko at alam nyang me ka-chatting ako, dedma sya. Basta lang wag ko daw pabayaan ang trabaho. Syempre me mga idle time, pero pagdating sa trabaho – trabaho dapat.

Anyway, dumating yung pagkakataon na binabaan ang bandwidth na dini-distribute sa location namin. Madami daw kasing nakastreaming at nagyu-youtube kaya bumabagal ang server – meaning mabagal tuloy ang internet at marami ring nagreklamo. Kaya yun, nawalan kami ng chat.

Buti na lang resourceful kami… hahahah! Di pwedeng walang chat. Buhay na rin namin yun. Kaya naghanap kami ng mga online instant messengers. Yung mga di na kelangan idownload. Kaya nadiskubre namin ang:

IMO – (http://imo.im) eto yung pinakagamiting instant messenger dito sa office namin. Kasi pwedeng sabay sabay na nakaonline sa yahoo, sa skype, sa facebook, sa gmail… bahala ka na.

Ebuddy – (ebuddy.com) as usual, ganun din ang features nya sa IMO. kaya lang eventually, nablock ang site na ito dito sa office kaya, di bale na lang.

Meebo – (meebo.com) isa pa sa pinakagamitin namin dito sa office. Ang problema walang skype feature.

Ang kagandahan sa mga sites na ito, since nakablock din ang VOIP, at ang audio and video chats, dito nagagawa ko ang video at voice chat.. hahaha! :)) nakapuslit din. (naku baka malaman nilang alam ko… as if!)

Alam kong di lang ito ang web messengers na available, pero ito ang madalas kong gamitin. Kaya wag na lang kayong maingay para makapagchat pa ako. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s