“blah”-ging

Sa mga pagkakataong tinatamaan ako ng inggit sa mga established bloggers, di ko maiwasan madismaya sa blog ko. Wala naman kasing laman, puro nga lang “blah”. Palibhasa puro, wa’ wenta lang ang nakasulat dito.

Gayunpaman, tuloy pa rin daw ang pagsulat. Mabuti na rin daw yung me outlet ka. Pag galit ka, at least constructive pa rin ang ginagawa mo. Me masaktan ka man, yun eh kung malaman nila na ang sinusulat mo eh tungkol sa kanila.

Nitong mga nakaraang araw, lalong nadagdagan ang pagkainggit ko sa mga blogs. Wala kasing masyadong trabaho kaya madalas akong matutok sa internet, pati na sa chatting.

Pero syempre, di naman porke’t wala akong trabaho, wala ring trabaho ang mga kausap ko, kaya me times na di nila ako mapagbigyan sa pagchat… buti na rin. Mamaya, mahuli pa ako ng boss ko. hahahaha! :))

Kaya naman, napunta ako sa isa mga paborito kong blog site. Well, the site is all about blogging and blogging tips. Something caught my eye (heheheh! English na naman). Meron kasing blog post about why students should blog (Read Here).

Me point sya dun. Naisip ko tuloy bakit kaya di ako nagblog or nagdiary nung nag-aaral pa ako. Noon kasi, wala kaming computer at di pa ako marunong mag-internet kaya di ko pa alam ang blogging. Nung matuklasan ko naman na ito, huli na. Me trabaho na ako.

Pero kahit na. Mabuti ngayon, medyo sinisipag na ako. Sinasamantala ko lang naman habang di pa ako busy sa trabaho. Kelangan tuloy-tuloy ang pagsulat sa blog kahit daw wala ‘wenta. Baka para sa akin, wala lang pero sa mga nagtyagang bumasa, meron naman. Nawa nga kahit papano, me natutunan naman ang mga bumasa. hahahaha! :))

Advertisements

7 thoughts on ““blah”-ging

    • di na kelangan. pag meron kasing platform or certain format, di na malaya ang pagsulat mo. mas maganda yung kanya-kanyang style. Iba iba rin kasi tayong mag-express ng emotion eh. 🙂

    • hey, thanks for the tips. I actually am subscribing to another blog sites that is solely for blogging. yun nga lang, daming writer, nanakapraning tuloy. thanks for stopping by. will definitely check out your blogging tips. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s