Forums & Blogs

Napapansin ko ngayon na napapahilig ako sa mga blogs at forum sites.  Di ko maiwasan matawa, mainis at maging involve sa mga usapan. Syempre, makikisawsaw ako, gusto ko rin naman malaman nila ang saloobin ko.

Mapa-current events o simpleng kuro-kuro lang, nakaka-uplift yung kasali ka sa usapan. Merong bumabatikos sayo, pumupuri, sumasang-ayon, etc.

Kamakailan, siguro dahil na rin sa pagsabat ko, meron ding commenter na medyo uminit dahil sa diskusyunan. Kanya kanya nga tayo ng saloobin pero at the end of the day, dun pa rin ang tuloy natin (di ko alam kung san eh! hahahaha!).

Maraming hati ang opinyon ukol sa slogan ng DoT para ipromote ang bansa natin, opinyon tungkol sa di magandang kaugalian ng mamamayang pilipino, at maging sa pananamit ng babae. At pareho kong sinubaybayan ang talakayan ng blogs na ito. Di naman ito forum, pero madami talagang nakikisimpatiya at nakikipagtalo para makumbinsi ka na tama ang pananaw nila.

Di naman kelangan maging mapalabok para makumbinsi mo ang isang tao sa opinyon mo, pero para sa akin:

– Kung di ka makakatulong, malamang isa ka sa makakagulo… hahahah! :))

– Kung di mo kayang gawin, wag mong asahan na iba ang gagawa nun para sayo. Ikaw nga di mo nagawa eh, ibang tao pa kaya…

– Kuro-kuro ay kuro-kuro. Walang masamang sabihin ang saloobin mo. Marahil tama ka sa saloobin mo pero di naman lahat sasang-ayon. Di lahat katulad ng pag-iisip mo.

– Kung sakali mang di kayo pareho ng iniisip, di ibig sabihin mali sya at kelangan mo na syang awayin sa world wide web. Me iba pa nga na nagiging personal na. Mukhang lumalayo na sa usapan yun kung pati personal na buhay ng tao eh pakikialam na.

– Siguro din, dala ng emosyon, kaya puro mura na ang nakikita ko.

Nagugulat ako (para sa akin… di ko alam sa inyo) pag puro murahan ang nakikita ko sa forum and blog sites. Grabe, maraming nakakabasa. Di ako makapaniwala kapag me bumubulalas sila ng mura sa web dahil sa hindi nila gusto ang sinabi o opinyon nung isang tao. Kanya-kanya na lang talagang trip siguro.

Kaya katulad ng ibang laro at kahit san, walang pikunan… hahahah! :))

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s