What the Fudge? Blog bLast!

Nalulula ako sa dami ng Filipino blog online. Karamihan ay witty ang tema. Samantalang ako wala…

Hindi ko maiwasan na maaliw sa mga blog nila. Nakakatuwa at nakakabilb. Pagandahan pa sila ng mga web design. Grabe! Samantalang ako, kung ano lang yung available na template dito sa wordpress (or blogger). Naiinggit ako (masama na!).

Sa totoo lang, sa sobrang inggit ko, gusto ko na magpagawa ng web design. Pero as usual, wala naman akong ideya kung ano ang magandang web design. Nakikigaya na lang din ako, o kaya tatanungin ang web designer kung ano sa tingin nya ang maganda para sa blog ko. Wala ngang theme eh!

Anyway, for new year…. balak kong gumawa ng blog review. Marami akong blog na binibisita. Di man regular, pero magiging masaya. Nasa akin na kung pano ko sila ikaka-categorize. Posibleng para sa ‘kin bastos ang tema, pero sa author… hindi.

Hindi ko ili-limit sa isang category lang. Kahit anong category pa sya.. bibisitahin ko. Maganda yung maraming binabasa. Kahit di ko pa natatapos. Magkakaron ka kasi ng impression tungkol sa author. Sabi kasi nila, kung pano sumulat yung author (whether witty or too serious) ganun din daw sya in-real-life.

So malay natin, inquisitive ang dating ko para sa iba… pero di naman pala… subukan lang natin. Unahin natin ang bloglist ko… and we’ll take it from there.

Posible rin naman na yung mga binisita kong blog, di ko gusto.  Pag ganun, re-review-hin ko pa rin, di nga lang maganda. Hey, a bad publicity is still publicity.

I bet, meron din nagre-review ng blog ko and obviously, di nila ito gusto. 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s