Travel Itinerary

Ngayong bagong taon, wala talaga akong planong pumunta kahit saan maliban sa pinas, ngayong bakasyon. Noong 2010, naranasan ko ang magtravel at nagustuhan ko naman. Kaya rin siguro bumalik ako sa pinuntuhan ko.

Sabi ko sa sarili ko, ngayong taon, di muna ako magtratravel. Ayoko munang gumastos. Mag-iipon muna ako. At tama lang naman. Kelangan talaga eh.

Kaya lang habang tumatagal, marami mga kaibigan ang nag-aaya sa akin sa kani-kanilang lugar. Karamihan naman dito eh within Pilipinas lang. Meron din namang sa kalapit na bansa ng ‘Pinas, tulad ng Malaysia, Vietnam at Cambodia. Nandyan din ang nakaka-engganyong pakulo ng mga airlines na pababaan din ng presyo.

Ayoko naman magpunta sa lugar ng walang dahilan. Di naman pwedeng mga kaibigan lang ang dahilan at pasyal lang ang gagawin ko dahil di rin naman ako mahilig mamasyal.

Nung 2010, nagpunta ako sa Thailand for a TEFL course kasama na dun ang pagpasyal sa Singapore (stop-over). Ganun din nung 2011, bumalik ako sa Thailand at Singapore. Ngayong taon, wala muna. Kaya nawa, mapanindigan ko na walang puntahan. Sa baba ng airfare ngayon, di malayong makumbinsi din ako. šŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s