Pakulo

Ano bang magandang pakulo? Aminado ako, syempre, gusto kong makilala ang blog ko. Sabi kasi nila para daw dayuhin ang blog mo, maglagay ka ng pakulo.

Haller! Kahit sinong marketing analyst pa ang tanungin, ganyan din ang sasabihin. Wala na bang iba. Di naman ganun kalakihan ang blog ko and di ito sikat…. (as in, hindi sikat).

Me mga pailan-ilan na bumabasa pero walang permanente. Merong nag-add sa bloglist nila (maraming salamat po), pero di rin iyon karamihan.

Meron din akong nabasa kelan lang (di po ako masyadong palabasa ha!) na kung susulat ka, sumulat ka na lang.. to hell, kung me bumasa o wala ang importante sinulat mo ang saloobin mo. Ganun na lang nga siguro.

Dapat daw ang attitude, Keber kung me bumasa! Isa pa, di ko rin masisi yung iba kung di nila basahin ang blog ko… tingin ko kasi wa’ wenta ang sinulat ko… “I am such a whiner” – ika nga ng kaibigan ko.

Gusto ko ng pagbabago pero ayaw ko naman magbago… pano kaya yun?

Pag-aaralan kong mabuti ‘tong pakulong ito. Kelangan kasi, me promo period, me premyo (dapat lang) at me consolation prices. Bukod dun, kelangan me policy… ano kaya yun?

Kelangan din ng sangkatutak na promotion… and dito, hihingi ako ng tulong sa mga kapwa bloggers. Nawa pumayag sila. Mag-iipon na ako ng premyo.

Kaya dapat, lagyan ko na ng tema ang blog ko. Di yung puro “rant” lang…

ano kaya ang magandang tema para sa taon na ito?… suggest naman kayo…

Advertisements

13 thoughts on “Pakulo

  1. nagsimula ako ng puro rant. after 3 posts, nagfantasize ako na sana maging sikat yung blog ko. then i started writing while minding if others will like it, lalong di ako makapagsulat. in the end nangibabaw pa rin yung original intent ko on why i created my blog in the first place – it’s my release 🙂 and i’m happy that i sticked to that. i think that’s that main reason kung bakit nageexist pa rin yung blog ko. now, i really don’t care anymore if i get readers. medyo naging hardcore na nga yata ako to the point na if i don’t feel like it, i don’t reply to comments anymore nor do i blog hop. i write mainly for mysef. in fact this comment is my first after more than i year i think. hehe. and yes, this is long comment 🙂
    as to the theme – i suggest something that you’re passionate about

    • really! naks naman… first comment in a year! wow!

      yeah, been to your blog (isn’t it obvious?).. Honestly, i am not as bummed out as before when it comes to readers. I just want to write in Tagalog. Syempre, nandun pa rin yung rants, karamihan naman sa atin ganun eh.

      I really can’t think of a theme. Mali-limit kasi ang isusulat mo kung me theme ka talaga (that’s just what i think).

      thanks for the visit. If i ever have a promotion, hope you get to join. hahahaha! :))

  2. sa tingin ko lahat ng bloggers nagsimula sa rants 😆 nagpapacontest ako pero pag anniversary lang ng blog ko hindi ko alam kung pano sisikat ang blog pero tama ka basta sulat lang ng sulat! sa tema ng blog, pwede naman halo-halo, sakin hinalo lang talaga eh 😆

    • hahaha! :)) i wouldn’t be surprise. lahat naman talaga outlet ang blogging para malabas ang mga hinanakit nila. yung iba naman opinions nila. kung di pwede sa diaryo, di dito na lang… di lang isa siguro ang babaasa.. marami rin naman sila.. :p thanks for stopping by! 🙂

  3. ako din sulat lang ng sulat, timing lang yan pag nag kataon na na tyempong nasa freshly pressed pa yung new entry mo, me nakabasa nagustuhan at nagustuhan nila, automatic na yun na babasahin ka, para sakin di nakikita sa dami ng followers yung fame ng blog site, nasa kung ilan talaga yung nagbabasa ng sinusulat mo, so ang dami kong sinabi. haha

  4. hindi ako masyadong agree dun sa kahit ano na lang ang isulat, kasi blog mo naman… para sa akin, dapat magkaroon naman ng takeaway yung magbabasa, na hindi nya mararamdaman na sayang yung nilaan nyang oras sa pagbabasa… kasi kung kahit ano ano lang sinusulat at walang pakialam, wala rin karapatan na magreklamo kung walang nagbabasa…kasi wala rin pakialam ang magbabasa…

    ang maisasuggest ko sa theme eh humor. it works LOL…

    kung premyo naman, baka magbasa lang sila dahil may prize, tapos pag wala nang prize, malilimutan na uli…

    • kung sabagay totoo yan. Di ko pa naman pinupursige ang pakulo eh. Kung me pagkakataon lang. Pero syempre sayang naman ang pakulo kung konti lang ang sasali. So tingnan natin.

      As for the theme, although this is a personal blog, i try to make it as educational as possible. Kahit papano naman me mapulot dito… i can’t be humorous kasi di talaga ako nagpapatawa… ako ang tumatawa.. heehehe! :))

      • tatanungin ko lamang at oobserbahan kung uubra talaga ang mga pakulo. hehehe. ang totoo, ung abatar mo na green, kala ko iyun ung pakulo mo. hehehe. sa tingin ko kasi mahalaga pa rin ang karakter, kesa sa kahit ano pa mang pakulo. hihih.

      • Avatar ko? hahaha! si mike wazowski yan… cute di ba?

        tungkol naman sa pakulo, kelangan me theme… yung karakter na sinasabi mo. syempre pag-aralan mo muna – ilang words, sino judge, anong prize, how long yung pakulo, etc… kaya mahirap mag-isip eh. 😦

        di naman porket me pakulo ka, di ka na magpopost. okay pa rin yun.. ikaw yun eh (personality). yun pa rin nga talaga ang mahalaga sa blog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s