Happy New Year

New Year na! Ano naman ang plano nyo ngayong taong 2012? Ano ba ang dapat baguhin at mga “new beginnings” na sa dapat mong  unahin?

Matanong lang, kelangan ba talaga pag New Year lang iisipin ang pagbabago? Kasi wala namang katapusan ang “new beginnings”. Lahat naman eh entitled sa pagbabago at new beginnings.

So anu-ano ang sa palagay nyo usual na New Year’s Resolution? Eto ang tingin ko:

1.  Magbawas ng timbang.
Goodluck dyan. Ako din, di ko mapigilan ang pagkain at ayoko rin namang pagkaitan ang sarili ko para lang sa ngalan ng pagpapayat.

Kung healthy ka naman, ibig kong sabihin walang sakit at walang kumplikasyon, bakit mo pagkakaitan ang sarili mo sa pagkain para lang pumayat? Sa totoo lang, babalik din lahat ng timbang na nawala mo sa oras na itigil mo ang regimen mo. Kaya gawin mo na lang yung kaya mong pangatawanan at dun ka na lang mag-stick.

2.  Mag-ipon.
Ito ang kadalasan kong naririnig, lalo na sa mga OFW. Mag-iipon na daw sila. Una sa lahat, ano ba ang dahilan bakit ka nag-iipon? Kasi kung wala kang goal, para san ang pag-iipon mo? Isipin mo yung mabuti kahit gano pa kababaw, yun ang nabasa ko.. hehehe! Mas madali daw kasing makaipon kung meron patutunguhan ang pag-iipon (sabi nila at yun din naman ang gusto ko).

3.  Makahanap ng magandang trabaho.
Gusto ko rin ‘to. Pero ano ba ang magandang trabaho? Meron nga tayong trabaho, marangal naman, pero di natin pinahahalagahan. So anong trabaho ba talaga ang gusto natin? Gayun pa man, tuloy mo pa rin. Wag kang ma-discourage. Makakamit mo rin yan.

 

Sa akin lang, wag nating hintayin ang New Year para makamit ang mga goals natin. Di lang naman tayo nagkakaron ng pagkakataon sa New Year eh! Palagi naman, di ba? So kung gusto talaga natin ng pagbabago, umpisahan na natin ngayon.

Okay lang kung kelangan mo ng preparation, wag lang masyadong matagal. Baka sa sobrang prepare mo, wala na tayong nagawa.. hahaha! :))

Hope we all have a blessed and great 2012, people! See you all around.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s