Pasko na naman… Caroling

Katatapos lang ng series of chorale concert namin. Kasama namin mga iba’t ibang lahi. Me mga Briton, Kano, Aleman, Indian, at syempre, Pinoy. Kabilang kami ng nanay ko sa grupo na ito.

Nabuo ang the Community Choir Muscat noong 2006 sa pangunguna ng Musical Director ng The British School Muscat. Dahil sa ang praktis ay ginaganap sa The British School, tinawag itong The British School Community Choir. Pero dahil na rin sa pagka-international ng grupo na wala namang kinalaman sa “The British School”, tinawag na rin itong The Community Choir Muscat.

Nakilala namin ang Musical Director ng the British School sa PCO (Protestant Church in Oman) kung san kami nagsisimba. Noong 2009, inimbita nya kami na sumali sa choir, kasama ang iba pang Pinoy. Naisip namin ng nanay ko, magandang karanasan din yun. Makakanta kami kung san-san at makakakilala mga tao na sa iba’t ibang lahi.

Fast Forward 2011, katatapos lang ng concert ng choir sa iba’t ibang hotel sa Muscat. Dahil sa giliw ng Musical Director sa Pinoy, naglagay sya ng slot para sa mga Pinoy lamang at kumanta daw kami ng pamasko sa Tagalog. Pagkakataon na namin, kaya naman naisip naming kantahin ang “Sa May Bahay Ang Aming Bati” at “Pasko Na Naman”. Hayy… the good old days…

Napakasarap alalahanin ang pagkabata. Naalala ko pa nung nangangaroling kami sa mga kapitbahay tuwing gabi bago ang pasko. Yung mga “Patawad” na sigaw minsan ng kapitbahay. Napakasayang maging bata… hahaha!

Anyway, masaya na nagawa namin ito sa harap ng iba’t ibang lahi. Kahit di daw nila maintindihan ang kanta, natutuwa sila. Masaya daw ang kanta at napapaindak sila. Tinatanong pa nga nila kung ano ang ibig sabihin ng kanta. Naku ha! ang hirap kayang i-translate.

Nakakamiss. Ilang taon na rin akong di nakapag-Pasko sa Pinas. Masaya rin na maranasan ito ulit. Pag nagkaron talaga ako ng pagkakataon, uuwi din ako ng Pasko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s