English Me

Maarte daw ako. Di ko kasi maiwasan mag-English minsan kahit na Pinoy ang kausap. Nope. Di po ako nagtrabaho sa Call Center (no offense sa mga nagtatrabaho dun).

Ilang beses ko na ring nasabi sa mga posts ko na may pagka-Inglesera ako. Lalo pa siguro ngayon na marami akong mga kaibigang ibang lahi at lahat, English ang usapan.

Maganda rin naman ang kinahinatnan ng pakikipag-usap ko sa kanila. Una, umayos ang English ko. No more nosebleeds. Pangalawa, natutunan ko ang gawi at kultura nila. Kaya rin siguro naging opinionated na ako.

Sa mga pagkakataong nag-i-Ingles ako kahit pinoy ang kausap, kinakausap din ako ng kapwa ko pinoy sa Ingles. Bakit? Me accent daw kasi ako.. Kung ano man yun, di ko alam. Basta para sa kanila, taga-ibang bansa daw ako.

Katulad nung nasa MOA ako.

Ay oo nga pala, bago ako umuwi ng ‘Pinas para magbakasyon, nagpa-Henna Tattoo ako sa braso. Wala lang… Trip ko lang. Dahil me stop-over ang flight namin, naiwan sa stop-over yung mga bagahe namin. Sabi naman ng airline crew, bibigay daw kinabukasan. Pero wala akong ibang gamit  na dala. Kaya pumunta kami ng MOA.

Sa MOA, nakakita ako ng damit. At dahil me henna tattoo ako, kapansin pansin ang braso ko. Marami tuloy tumitingin at nagtatanong.

 Saleslady:  “Mam, henna po yan?”
Ako:  “oh yeah! it’s henna.”

Kitang kita ko sa expression nung saleslady na nagulat sya. English kasi ang sagot ko. Bukod dun, me accent daw. Kaya yung mga sumunod na tanong nya, English na rin.

Saleslady: “what size do you need, mam?”
Ako:  “I haven’t figured it out. Sabihan na lang kita. Tatawagin kita sa pwesto mo. I still have to look around”

Sinamahan ko na ng Tagalog para malaman nilang marunong akong mag-Tagalog at higit sa lahat, Pinoy pa rin ako.

Di lang ito ang pagkakataon na nagsalita ako ng Ingles at lahat ng kumausap sa kin, nag-Ingles na rin.

Nakakatuwa. Flattering kasi iniisip ng iba taga-ibang bansa ako, kahit di naman. Di rin ako lumaki sa ibang bansa. Ibig sabihin, pasado na ang Ingles ko.

Gayunpaman, me mga manggagaya at nang-aasar. Ganun talaga! kasama yun eh. Di naman ako naiinis. Natatawa na lang ako. Di porke’t inglesero or inglesera ang isang tao, ibig sabihin di sya pinoy. Pano kung katulad ko na kadalasang kausap eh ibang lahi? Di ba mahahasa ang dila mo sa pag-i-ingles? Tingnan lang natin.

Sa huli, kalaunan at katagalan, Tagalog na rin ang salita ko. Pinoy pa rin naman ako. At pag dumating ang panahon na di na ako nagtatrabaho sa ibang bansa, di ko na kailanman tatalikuran ang salitang atin. It’s just a matter of time.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s