The 30-day Challenge

Me pagkatamad kasi akong magsulat. Kung di lang dahil sa deadline at sa kagustuhan kong magkalaman naman ang blog ko, di ako magsusulat.

Sa mga pagkakataon na nagsusulat ako, mas madalas na sa English. Di ako ganun kabihasa sa English pero malalim na rin ang kaalaman ko dito. Mas madali na nga sa akin ang magsulat sa English kesa sa Tagalog.

Bakit? Una, pag English ang sulat mo, walang pulang jagged underline ang mga words. Pangalawa, mas madalas na English ang mga isipin ko kesa Tagalog. Di ko naman tinatalikuran ang Tagalog, mas madali lang para sa akin ang magsulat sa English.

Sa pagsasalita, di rin naman ako papahuli. Conversant (fluent) na rin ako sa English. Near native na nga raw. Kumbaga, di na dinudugo ang ilong ko sa pagsasalita ng English. Alam ko na yung dapat sabihin. Di na ako nabubulol or nauutal.

Ang sikreto, Praktis lang. Marami na akong kaibigang ibang lahi at lahat sila syempre kinakausap ko sa English. Pano ko nga ba naman sila makakausap di ba?

Anyway, meron akong nauna pang blog dito. Tinawag ko itong “the Great Writing Challenge“.  Ang layunin nung blog eh makapagsulat ako araw araw sa loob ng 30 araw ng di baba sa 250 na salita. Sounds easy?

Di pala. Kumuha ako ng iba’t ibang topic mula sa iba’t ibang site. Sa umpisa, sige lang ng sige. Pero habang tumatagal, humihirap na… nakakatamad na tuloy.

Kaya imbes na tigilan, lalo pa akong nagsulat. Yun nga yung layunin ko eh. Dito naman sa Blog na ito, kelangan puro Tagalog lang. Nawa magawa ko dahil sa totoo lang, gustong gusto ko ng isulat ito sa English. (Yabang ko noh!)

Advertisements

4 thoughts on “The 30-day Challenge

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s