There’s this thing called “Paragraph”

Oo na.. medyo critical (namumuna) ako pagdating sa mga articles. Di kasi ako ganun kasipag magbasa. At kung magbasa man ako, gusto ko yung KISS (keep it short and simple) lang.

Kaya naman pag nakakakita ako ng article na sobrang dami ng sentences, di ko pa man nababasa ng lubusan (skimming pa lang), tinatamad na ako. Kaya nga me “paragraph” eh.

Para mas madaling mabasa yung article, hinihiwalay ang mga related sentences with a paragraph. Karaniwan, paragraph consists of 3 – 5 sentences. Minsan kasi, 10 sentences na, di pa hinihiwalay ng paragraph. Unrelated na sila sa isa’t isa, tuloy tuloy pa rin ang sulat.

Nakakalito. Isa pa, masakit sa mata (sa totoo lang). Para mas maengganyo yung mga mambabasa, bakit di natin paigsiin ang paragraph. Limited to 3-5 sentences lang. Damihan nyo na lang ang words sa sentence nyo.

Bakit? Kahit na gano pa ka nakakatawa o substantial ang mga sinasabi mo, para sa mga tamad magbasa katulad ko, di ko na lang ito babasahin at ibabase na lang ang mga reaksyon sa kung ano ang comments sa ibaba or sa title. Unfair naman di ba.

Pano kung yung title eh pang-attract lang ng mambabasa and di naman talaga ito ang pinaka-konsepto ng article. Eh di mali na ang impression ng reader.

Hayy naku! Critical ba akong maituturing, neurotic or talagang makati lang ang kamay ko sa mga mga typographical and grammatical errors? hahaha! :)) Mali-mali rin naman ako eh. 😛

Ano pa man ang dahilan, mas maganda rin naman tingnan kung me paragraph, di ba? Mukhang mahaba and di boring yung article. Bukod dun, di naman nawala yung substance.

Bakit di natin subukan? I tried. Umepekto naman.. hehehe! :))

Advertisements

2 thoughts on “There’s this thing called “Paragraph”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s