The best things in life are “Bargains”

Mahilig ako sa libre at bargain, may pagkakuripot ako. Tipikal na yata ito sa mga pinoy. Karaniwang dahilan na naririnig ko, wise spender lang daw. Pero pagdating na sa pansariling mga pangangailangan, lalo na ng kapritso, lumalabas ang pagkamagastos.

Aminado ako. Mahilig ako sa mga gadgets. Maituturing ko nga ang sarili kong techie’ng pulubi. Kasi di ko naman palaging afford na magkaron ng mga gadgets. Kaya madalas nag-iipon muna ako para makabili ng mga ito o kaya hinihintay yung sale. Hehe!

Wala naman akong nakikitang masama kung maging galante ang isang tao sa mga gusto mong bagay.  Kaya nga, kung afford mo… why not?

Nang magtrabaho ako sa abroad, nito ko naranasan na makabili ng mga gadgets na gusto ko. Di naman ako magaling sa mga computers and gadgets, pero di rin naman ako nahuhuli. Marami pa rin akong dapat malaman. Kaya naman, ganun na lang ang pagpupursige ko na makahanap ng bargains o ng libre sa internet.

Kaya lang habang tumatagal, wala ng libre sa mundo. Lahat may bayad na. Bilib ako sa mga magaling tumawad. Di kasi ako masyadong marunong. Kapag within the budget kasi yung presyo ng gusto ko, binibili ko na.

Pero lumalabas din ang pagkakuripot ko kapag medyo short talaga sa budget o kaya di kasama sa budget.

Kaya rin siguro mahilig ako maghanap ng libre sa internet. Dami ko na nga nakita. Yung mga gusto at kelangan ko lang. Wala na kasing time para mag-explore pa. Saka na lang siguro.

Sino pa kaya ang me alam ng libre o bargain? Mapainternet pa yan o onsite, sabihan nyo ko. Explore ko at kung me pagkakataon, subukan ko.

Advertisements

4 thoughts on “The best things in life are “Bargains”

  1. dyaryo na lang ata libre ngayon.. hahaha saka free taste sa super market..

    naku minsan may nakasama akong mamili sa isang tiangge pagka bili ko inaway-away ako hindi daw kasi ako marunong tumawad..

    nagmamadali daw akong magbayad..

    nanihimik tuloy ako.. tapos naisip ko, oo nga pala tiangge ‘to.

    pero may isa pa akong alam na libre -ang mangarap.. hahaha commercial lang. lels.

  2. “Habang libre pa ang pagtawa, atin itong damhin, yakapin at paka-namnamin, dahil darating ang panahon, baka ultimo pag-ngiti ay mangangailangan na rin ng isang salapi.”

    ayan libre yan sa site ko, bisitahin mo ha. bawal ang di bumisita sa isang libre.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s