Over and Under Qualified

Narinig nyo na siguro ito.  Nandyan yung mag-a-apply tayo sa trabaho na ‘di tayo masyadong pamilyar o wala talagang ideya kung ano ang sinabak, lakasan lang talaga ng loob. Yung kahit ano na lang, pwede na.

Meron namang posisyon na masasabing sisiw na lang sa atin. Pero dahil sa kelangan ng trabaho, kinuha na lang natin.

Sinubukan kong mag-apply sa isang site na nangangailangan ng Article Writer (kapal!) Di naman ako talaga Writer. Pero ayun sa mga website owners, pwede na daw… hehehe! :))

Bilang instruction, sinabi na magpasa ako ng dalawang sample articles. Heto naman ako, nagpasa naman. Ipinasa ko yung 2 sa mga article ko na natanggap sa ibang site.

Nakakahiya! Di ko man lang kasi binasa muna ang articles na pinasa ko. Ang daming typographical and grammatical errors. Nanghihinayang ako. Di man ganun kagaling at di man ako ganun ka-confident sa sulat ko, pero sayang pa rin na dahil sa mga maliliit na pagkakamali, di ka nila mapansin.

Siguro nga, underqualified ako para sa position. Di pa siguro ito para sa akin. Kulang pa daw ako sa practice.

Gayunpaman, marami naman akong bagay na alam na di ko magamit sa opisinang pinagtatrabahuhan ko. Me pagkakataon pa siguro para magamit ito pero sa ibang paraan na at sa ibang sitwasyon.

Sa ngayon, masaya ako na nagagawa kong sumulat ng malaya, na merong mambabasa (kahit maliit na porsyento lang), at nakikinig sa mga di reklamo ko.

Marahil marami ng nagsasawa sa walang katapusang reklamo ko na kung tutuusin ako lang din naman ang me kasalanan… hayyy! buhay… hehehe! :))

It will never be too late. Just keep striving for what you want. Ask the Lord for help and He will give you bountiful things that you deserve. Keep praying and keep living – smile.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s