Di Mapakali

Eto na naman ako… di ako mapakali sa itsura ng blog ko. Kung tutuusin, di naman ganun kahalaga ang blog appearance, basta maganda ang nilalaman. Pero di pa rin ako kuntento dun.

Meron kasi akong hinahanap sa mga itsura ng blog na napupuntahan ko. Kadalasan marami silang pakulo. Oo, nandun na ako… marami na silang award na napanalunan, mas matagal na silang nagsusulat. Di ko naman inaalis yun at saka, masaya pa ako para sa mga bloggers na yun.

Kaya lang, naguguluhan ako sa mga blogs nila. Ang dami kasing mga nakakalitong mga larawan. Masaya pa naman akong basahin ang mga sinulat nila. Kaya lang, nauunahan ako ng irita pag masyadong maraming nakikita. Di na tuloy napapansin ang sulat.

Ayoko mangyari yun dito sa blog ko. Kaya naghahanap ako ng template na malinis ang dating, maayos at saka madaling ibrowse.

Gusto ko yung 3 columns, o sige, kahit 2 columns lang basta kaya kong i-navigate ang mga widgets or sidebars. Kaso sa wordpress, nahihirapan ako.

Oo nga, pagdating sa posts, mas madali sa wordpress. Wala akong masabi dun. Pero pagdating sa Page Editing… clueless na ako.

Hindi ako techie. At hindi ko rin maintindihan ang kung anu-ano pang mga computer language na pwede kong gamitin para makapag-design ng site. Di ko na habol yun. Basta gusto ko lang maayos yung site.

Di ko tuloy maiwasan na ikumpara ang WordPress sa matindi nyang karibal, ang Blogger.  Marami akong nakikita at nagagawa sa Blogger na di ko magawa sa WordPress… isa na ang Google Adsense.

Hay, naku! Paulit-ulit ko man i-browse ang Theme Option ng WordPress, dito pa rin sa template na ito ako bumabagsak. Kung sabagay, malinis naman ang dating ng page ko at habang tumatagal, nakakabisado ko na rin.  Siguro kulang lang ako sa pasensya.

Pero sa oras na me makita akong magandang template para sa blog ko, gagamitin ko na yun. Pero pansamantagal (sabi ng nanay ko, imbes na pansamantala), itong template na lang ito muna. 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Di Mapakali

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s