English Only

Ano ba talaga? Kasasabi ko lang na Tagalog lang ang blog ko, biglang English Only. Hindi kasi maiwasan na sa Ingles talaga lumalabas ang mga nais kong isulat. Hindi sa kayabangan pero pagdating sa pagsulat, mas mabilis at mas madali sa akin kung sa Ingles ko ito isasalin.

Naging bahagi na ng buhay ko ang salitang English. Marami na rin akong kaibigang ibang lahi na nakakausap ko lamang sa wikang banyaga (English).  Di na rin mabilang ang mga kaibigan kong ibang lahi.

Sa paghahanap-buhay ko sa ibang bansa, di malayong naging bihasa (not-so…. heheheh!) na ako sa wikang Ingles. Kung babasahin nyo nga ang About Me page ko, malalaman nyo rin na nag-aral ako para maging isang Guro sa Ingles.

Kumuha ako ng Certificate in Teaching English as Foreign Language. Natapos ko ito kasama ang mga ibang lahi kong kaklase na naging kaibigan ko rin kalaunan.

Masasabi ko na ring pasado na ang English ko. Di na dinudugo ang ilong ko (nosebleed) dahil tuloy tuloy na ang daloy ng salita ko. Isa sa pruweba ay ang pagtatanong ng mga kaibigan kong ibang lahi sa akin kung Ingles daw ba ang salita ko sa bahay (native language).

Maraming salamat kung ganun. Yun nga lang, parang di ito tanggap ng kapwa ko pinoy. Nakakalungkot na dahil lang sa pagsasalita ko ng Ingles, di na ako masyadong pinapansin ng iba kong kaibigan sa ‘pinas.

Nawa mawala na isipin na maarte ang mga inglesera o mga social climbers. Di naman lahat ganun. Di sukatan ang pagsasalita ng Ingles para sabihan na maarte o matalino ang isang tao. Kung araw-araw mo itong ginagamit, di pa ba sapat yun para maging dalubhasa ka kalaunan? Hayyy.. buhay!

Advertisements

2 thoughts on “English Only

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s