Dismayado

Nitong mga nakaraang araw, nai-post na ang isinulat kong artikulo para sa isang site… DEFINITELY FILIPINO. Ito ang pangalawang artikulong ipinasa at tinanggap sa site na ito. Marahil dahil na rin sa titulo ng site, naengganyo ako sumulat. Iba pa rin kasi pag me bumabasa ng isinulat mo.

Sa pangalawang artikulo, isinulat ko ang mga obserbasyon at pananaw ko bilang isang OFW sa mga kapwa ko OFW. Marami kasing bansag ang kaakibat at dala ng isang OFW. Kesyo mayabang daw! At yun nga ang titulo ng artikulo.

Tulad ng inaasahan ko, marami akong natanggap na reaksyon. Karamihan sumasang-ayon. Di naman talaga masamang bumili ng gamit na gusto mo, basta ba me pambili ka. Isa rin ito sa mga paraan para makausap mo ang mga mahal mo sa buhay sa ibang bansa.

Gayunpaman, me mga negatibo din. Di ko na rin masasabing negatibo kasi kanya-kanya naman tayo ng pananaw.  Isa lang naman ang hiling ko, basahin ng maigi ang artikulo bago mag-react. Maganda man o hindi ang reaksyon, pananaw mo pa rin ito.  Di na yun magbabago. Pero kung pagbabasehan lamang ang reaksyon sa negatibong nakasulat sa artikulo, masama man, pero ang dating sa akin, di mo binasa ng maigi ang sinulat ko. Dahil kung naiintindihan nila, di ganun ang reaksyon nila.

Kagulat-gulat na sa lahat ng mga nag-react, sila lang ang ganun. Sino ba ang mas nakakahiya? Yung sumulat o yung bumabasa? Di man ito sumang-ayon sa lahat ng mga reaksyong nabasa ko. Iba pa rin ito sa inaasahan ko.

Salamat na rin sa inyo. Bagamat galit ang reaksyon ninyo, binasa nyo pa rin ang artikulo ko. Di pala ako nag-iisa. Meron pa rin palang mambabasa na tatangkilik ng sulat ko.:)

Advertisements

One thought on “Dismayado

  1. “Sa musika, kailangan lahat ay magsasaya, kaya’t bigyan ng kalayaan ang iba, hindi lamang ang sa iyo ang laging nauuna. Kung minsan ang sa iba ay masama sa iyong pandinig, at ang sa iyo ay siya namang masama rin sa iba. Kung kayat bigayan lang, lahat tayo ay may sariling panlasa sa bawat melodiya. Pasalamat at kung makatagpo ng parehas na panlasa, sabay makikinig anuman ang dikta. Tandaan na kung gaano ka nalulugod sa isang melodiya isipin mong ganun din ang iba sa pagkalugod sa kanyang melodiya, kayat igalang ang pakikinig din ng iba gaya ng paggalang sa iyo. Hayaan at mapapansin mo na lamang na sa inyong pakikinig, may pagkakataong magtatagpo rin ang inyong pandinig at panlasa sa iisang melodiya.”

    isa pang halaw sa aking mga kaisipan… pag di ka na busy, sulyapan mo at nang makita rin ang mga palagay ng mga nakabasa. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s